“Sarap niyan!” sigaw ni Kylie kay Sanjo ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. Binalibag ang pinto ng kwarto saka nag-lock. “Hmp! Gagu 'yun ah, tinanggihan ang katawang 'to?”bulong ni Kylie saka dinampot isa-isa ang mga saplot. Hindi pa rin siya susuko, pumwesto si Kylie sa living room. Naisip niyang humiga sa couch ng walang saplot. Pagkabukas ng TV ay hinila ang drawer sa harap niya. May imbak itong mga chocolates bar, chips, jelly stick, lollipops at maging popcorn packs. Lahat ng iyon ay tinikman ni Kylie. Napansin nito ang ang packet ng condom sa sulok ng drawer. Agad na kinuha iyon at dahil naiinip ay pinalobo ang mga iyon. Kalahating oras na ang nakalipas ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Sanjo, medyo giniginaw na si Kylie. Dinampot niya ang remote control sa ini-off ang