“S-Sanjo, ano ang ginagawa ni Siobeh dito?” bulong ni Kylie sa kanya. “Naalala mo ba nung gabing may nagtangka sa'yo na mang-rape?” makahulugang tanong din sa kanya ng nobyo. “A..oo. Ano naman ang kinalaman niya?” hindi pa rin makuha no Kylie ang ibig sabihin ni Sanjo. “Then, malalaman natin.” lumapit si Sanjo sa kama. Sumenyas si Sanjo sa lalaking nakatayo sa kanto na gisingin si Siobeh at alisan ng piring ng mata. Saka lang napagtanto si Kylie, kagabi sa racing, nakita niya kausap ni Sanjo ang lalaking iyon. Ngayon ay alam na niya kung ano ang pinag-usapan ng dalawa. “Hoy, babae! Gising na. Nandito na ang hinahanap mong mananagot sa'yo!” parang sinampal na ng lalaki sa pisngi si Siobeh imbes na marahang tapik lang sana. May pagka mainipin din ang lalaki, naisip ni Kylie. Napabali