“Trisha! Wala ka pa rin bang balita sa kapatid mo?” tanong ni Mrs. Miranda sa anak. “Mama, hindi ko siya kapatid at lalong hindi kadugo. Pwede ba?” naiinis na sagot niya sa ina. “Tumahimik ka, pinag-iingat lang kita. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? Masanay kang kapatid ang turing kay Kylie.” luminga-linga si Mrs. Miranda. Ayaw niya pa ring malaman ng iba ang lihim ng pamilya lalo na ang mga katulong. “Mama, nasusuka ako sa tuwing iisipin ko pa lang na kapatid ko siya. Inagaw na niya lahat ng atensyon. “Sinisiguro ko lang kung totoo ang report ni Godrico na patay na si Kylie.” mahina ngunit gigil na sambit ng matanda. “Yes, Ma. I was there at the scene.” pagsisinungaling niya, sumulyap pa si Trisha sa ina saka uminom ng tubig. “Good, ngayon ay kailangan natin makuha at maisalin