Habang naliligo siya ay iniisip kung sino ang misteryosong tao na sumagip kay Aleck. Hindi niya rin makontak si Heaven pero pakiramdam niya ay okay naman ang kalagayan ng dalaga. Naisip niya na hindi na dapat siya involve sa problema ng mga ito. Ginagawa na lang niya ito bilang pagtanaw ng utang na loob kay Andra at sa pangulo. Ayaw niya rin paghimasukan ang problema ng mga Sorrento. Biglang napangiti si Sanjo at naisip niya. May namamagitan kaya kina Heaven at Aleck? Parang kinilig na teenager si Sanjo nang maalala ang nobya. Ah, Kylie! Napakagat labi pa at nagmamadaling tinapos ang ginagawa. Shit! Huminga ng malalim si Sanjo, nais niyang gulatin ang nobya ngunit nakita na siya nito. “Gising ka na pala, kamusta ang tulog mo?” nakangiti si Kylie na sinalubong ang boyfriend.