Napaungol si Kylie nang madampian ng malamig na tubig ang katawan, dahan-dahan niyang minulat ang mga mata dahil nasilaw siya sa liwanag ng ilaw. “S-Sanjo? Sanjo!” napabalikwas si Kylie at biglang niyakap ang lalaki. “S-Sandali, hindi ako makahinga.” pilit inaalis ni Sanjo ang braso ng dalaga sa kanyang batok. Agad na mumandong din ito sa kanya. Biglang humikbi si Kylie na parang bata. “Bakit hindi mo ako hinanap?" nagtatampong tanong ni Kylie. Mas lalo pang hinigpitang ang yakap kay Sanjo. “Ah, eh….” Hindi makahagilap ng katwiran si Sanjo. “Alam mo ba kung ano ang nangyari sa akin?” Malamlam ang mga matang tanong niya kay Sanjo. “Kahit break na tayo sana man lang kahit konting awa, pinaramdam mo!” nakangusong nilayo ni Kylie ang mukha sa balikat ng lalaki saka sinuntok ng walang l