“The f**k man?! You got engaged?!” Si Ronan iyon. Parang hindi makapaniwala ang mga kaibigan ko ng makalapit ako sa kanila. Nakangiti lang ako at iniabot ang beer na ibinigay ni Jacob. “That my friends is already written in the stars,” nakangiting sabi nito at nakipag – cheers sa akin. “And who is the lucky one? You’re over with Lorie already?” tanong naman ni Carl. “Bro, I love Nikki. I should have married her five years ago. Gago lang ako at pinakawalan ko pa,” sagot ko naman. “Eh, paano nga si Lorie? She’s here don’t you know?” sabi naman ni Dan. Nawala ang ngiti ko sa labi. Kagabi pa ako kinukulit ni Lorie na magkita kami. Nagsinungaling na nga ako kay Nikki kagabi na si Jacob ang kausap ko at ka – meeting para lang matapos na itong kay Lorie. She keeps on bugging me whe