“Itutuloy pa ba natin? Puwede namang hindi na ‘di ba? Kasi nagantihan mo na si Lorie,” sagot ko at humiwalay kay Javier. Nakita ko ang puzzled look sa mukha ni Javier “Anong nagantihan?” takang – taka ang mukha niya. Nagkibit ako ng balikat at naupo tapos ay tiningnan ko ang admission form ko. “Alam ko naman kung bakit mo ako pinipilit magpakasal sa iyo. Hindi naman ako tanga. Alam ko na gusto mong makita ni Lorie na naka – move on ka pero alam naman natin na hindi ‘di ba?” “What? Ano ba ang sinasabi mo?” “You don’t need to marry me para lang pasakitan si Lorie. I think she got the message already. Tingin ko naman nasasaktan siya sa ginagawa mo kaya nakakaganti ka na,” sabi ko pa. “What the f**k are you saying, Nikki?” kita kong may galit na sa mukha ni Javier. “Do you think