Pinapaypayan ko ang sarili ko habang naririto ako sa loob ng aking opisina pagkatapos kong makausap ang Aldie Hochengco na iyon! Jusko, hindi ko akalain na napaka-straightforwarded niya! Wala man lang pasintabi. Siguro dahil sa nasanay ako sa mga naging client ko na may mga pasegway muna. Pero iba ang isang ito. Kung ano talaga ang ipinupunto niya, iyon na iyon! Wala nang halong keme!
Marahas akong kumawala ang isang malalim na buntong-hininga. Napasulyap ako sa wall clock. It's quarter to six. Binasa ko ang aking labi at tamad kong isinandal ang aking likod sa sandalan ng swivel chair. Good thing, si Aldrie Hochengco ang huling client ko. Tumayo na ako at hinubad na ang aking white coat at isinampay ko iyon sa swivel chair. Kinuha ko na din ang sling bag ko na nakasabit lang sa likod ng pinto then lumabas na ako. Nadatnan ko ang sekretarya ko na si Tonya nag-aayos na din ng kaniyang gamit.
"Ay, doc." bati niya sa akin nang makita niya ako na lumabas na. "Sabay na po tayo."
Ngumiti ako. "Sure. Pero bukod ba sa mga appointment ko para bukas, may iba pa ba akong dapat gawin?" tanong ko.
Aligaga siyang tumingin sa kaniyang notepad. "Meron po, isa. Lunch date daw po."
Kusang kumunot ang noo ko. "Lunch date?" ulit ko pa. Bakas sa boses at mukha ko ang pagtataka. "Kanino naman?"
"Yes po, doc. Nakalagay po, Aldrie Ho daw." sabay inangat niya ang kaniyang tingin sa akin.
Matik na tumalikwas ang kilay ko nang banggitin niya ang pangalan ng lalaking iyon. Talagang iyon ang sinabi niya sa sekretary ko? Seryoso ba siya? Geez, I won't take that seriously. "Ang mabuti pa, lumabas na tayo." pag-iiba ko ng usapan.
Wala naman magawa ang sekretarya ko kungdi sumunod sa akin habang papalabas na kami ng office. Pero napapansin ko ang kaniyang mukha na ang saya-saya niya. Kahit na may nagtutulak sa akin na tanungin kung bakit ay pinipigilan ko lang ang sarili ko. Hayaan ko nalang siguro.
Until we reached the Parking Lot. Dito na kami naghiwalay ni Tonya dahil sinusundo naman siya ng kaniyang boyfriend. Nagpaalam kami sa isa't isa. Nang nawala na sila sa paningin ko, akmang bubuksan ko na ang pinto ng aking kotse nang biglang may nararamdaman ako na papalapit sa akin. Tumigil ako at bumaling sa aking tabi. Laglag ang panga ko nang makita ko ang bulto ng lalaki. Anong ginagawa niya dito?
Nakapamulsa siya't diretso ang tingin niya sa akin. "Hey," bati niya sa akin sa pamamagitan ng baritono niyang boses.
Pormal akong humarap sa kaniya. "I thought you're already leave, Mr. Hochengco." sambit ko sa kaniya sa pamamagitan ng pormal na tono.
Tumango siya't tumango. Then pinaglaruan ng kaniyang hintuturong daliri ang kaniyang pang-ibabang labi, nang lumapat ang tingin ko doon ay kusa ako napalunok. "Here I am, waiting for you." aniya saka nagpamulsa siya ulit.
'Act normal, Eliza. Remember, he's still your client!' kastigo ko sa aking sarili. Isang pilit na ngiti ang aking iginawad. "May nakalimutan ka bang sabihin kanina habang nasa session?" iyan ang naging tanong ko.
"Actually, yes." diretsahan niyang sagot. "I want a date, Dra. Cutillion."
Para akong nanigas sa aking kinakatayuan nang marinig ko ang mga bagay na iyon mula sa kaniya. Like, what... the... hell? Okay lang ba siya?
Tumikhim ako at tumingin nang diretso sa kaniya, may bahid sa mukha ko ang kaseryosohan. "I apologize, Mr. Hochengco. But I need to decline your invitation." binasa ko ang aking labi. "We, doctors have a protocol. Kailangan namin sundin iyon."
"So you have rules." he said saka lumalim siyang nag-iisip. Muli siyang tumingin sa aking mga mata. Hindi ko malaman kung bakit nakaramdam ng tensyon sa mga tingin niyang iyon. Oh, hell. Don't tell me na totoo ang sinasabi niya kanina? Na sa akin lang... tumatayo ang talong niya?
"Yes." diretsahan kong sagot. "I have to go now, Mr. Hochengco. I'm running some errands so... If you don't mind-"
"Isipin mo nalang, hindi mo ako pasyente, Dra. Cutillion." he insist!
"Mr. Hochengco..."
"I made up my mind. Tomorrow, I'll pick you up." tinalikuran na niya ako't pumunta na siya sa kaniyang sasakyan.
Hinatid ko lang siya ng tingin. Pinapanood ko siya na sumakay sa kaniyang sasakyan at umaribas na ito ng takbo hanggang sa nawala na siya sa kaniyang paningin.
Binawi ko ang aking tingin. Naiwan niya akong tulala. Lumaylay ang aking mga balikat na parang nanghina ako sa naging conversation naming dalawa.
**
Pagod akong dumating sa unit ko. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Dumiretso ako sa Kusina para kumuha ng tubig then dumiretso ako sa Salas. Tamad akong umupo sa couch. Binuhay ko ang LCD tv na nasa harap ko lang. Tumambad sa akin ang mga balita. Madaming problema sa politika. Napangiwi ako nang ipinakita sa national tv ang mukha ng aking ama.
Pagod na nga ako, mukha pa niya nakikita ko. Pinatay ko din agad ang tv dahil pakiramdam ko ay mas bumigat ang loob ko. Tumingala ako sa kisame.
My father, senator Fraco Cutillion doesn't want me to be a therapist or a doctor. He wants me to be like him-a politician. Kaya nang nalaman niya na isa akong s*x therapist, talagang ipinaramdam niya akin ang pagkadisgusto niya sa propesyon ko ngayon. Ano ba ang magagawa ko? Eh sa ito ang gusto ko? Nakikita ko ang sarili ko na nakaupo sa isang malawak na opisina at nakasuot ako ng puti at may nakakausap akong mga tao na malalim ang problema. And I am so much glad to give them help. Kahit sa pamamagitan lang na ganito ay nailalabas at nalalaman ko kung ano ang problema nila sa pamilya o sa mga taong nasa paligid nila.
Dahil sa pagkaayaw niya kung anong kurso na kukunin ko noon ay dumating pa sa punto na hindi niya ako pinaaral. Hindi niya ako binigyan ng suportang pinansyal. Ni singkong duling, hindi niya ako binigyan. Sabi nga nila, kung ano ang gusto mo, magagawan mo ng paraan. Kaya ang ginawa ko, nag-aapply ako ng scholarship. Hindi lang iyon, nagtrabaho pa ako bilang service crew sa isang fast food chain para may pang-allowance ako. At sa awa ng Diyos, naabot ko na ang pangarap ko na ito. Nakarating ko an ang inaasam na trabaho na gusto ko.
Marahas akong kumawala ng buntong-hininga. Kinuha ko ang remote na nakapatong sa mababang mesa. Pinindot ko iyon at kusang tumugtog ang isa sa mga paborito kong kanta.
Queen of Disaster by Lana Del Rey kicks in. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang marinig ko ang kanta na iyon. Nakakaindak. Pakiramdam ko, gumagaan ang pakiramdam ko.
Kinuha ko din ang hair brush ko saka ginawa ko itong microphone at tumayo. Bahagyang iginalaw ko ang aking katawan dahil nadadala ako sa beat ng kanta. Ang sexy din kasi pakinggan.
"What you do to me is indescribable,
Got me sparkling just like an emerald.
Set my should on fire, make me wild,
Like the deep blue sea..."
Nagraradom sexy dance na ako. Tamang feeling sexy lang din ako. Akala mo nagpeperform ako sa isang live show or a concert. Yeah, right. Nagbabaliw-baliwan ako. You know, singing helps us to released some stress!
"Ladies and gentlemen, for the very first time, the badass doctor Eliza Cutillion presents..." hiyaw ko. Nang marinig ko na magko-chorus ay na ako kumanta kahi hindi naman kaganda ang boses sako.
"Gor me spinning like a ballerina,
Feeling gansta every time I see ya,
You're the king and, baby, I'm the queen of
disaster, disaster..."
Lumabas ako sa balkonahe at patuloy pa rin ako sa pag-eenjoy sa aking ginagawa.
"You got me spinning like a ballerina,
You're the bad boy that I always dreamed of,
You're the king and, baby, I'm the queen of
Disaster... disaster..."
Hanggang sa nagtapos ang kaniya na itinaas ko ang isang kamay ko pero nakatutok pa rin sa bibig ko ang hawak kong hair brush. Pero may pumukaw ng atensyon ko. Ang isang lalaki na nasa tapat lang ng balkonahe ng unit ko. Napasapo ako sa aking bibig dahil sa gulat. What the fudge?!
It's Mr. Aldrie Hochengco!
Nakatuntong ang mga braso niya sa railings ng kaniyang balkonahe. Nakatitig siya sa akin pero nakikita ko pa rin ang pagkamangha sa kaniyang mukha nang makita niya ako. Wait, nakita niya iyon?! Nakita niya ang kabaliwan ko na kanina ko pa ginagawa?! Oh s**t, hindi nga? Nakita niya?!
Kita ko na sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Nice dance." kumento niya. Sapat ng lakas ng boses ang ginamit niya para marinig ko siya.
Napasinghap pa ako lalo. s**t! Nakita nga niya!
Dahil sa hiya na umahon sa aking sistema, agad akong pumasok sa loob at isinara ko ang pinto ng balkonahe. Patakbo akong pumunta sa aking kuwarto. Padapa kong itinapon ang sarili ko sa kama. Pinagsusuntok ko ang kutson while my legs are flippings!
"Damn it! Damn it! Damn it! Nakakahiya ka, Elizaaaaaaaa! Nakita ka ng client mo na ganoon! Shiiittttt!" kastigo ko sa sarili ko.
Pero mabuti nalang, iyon lang nakita niya, hindi niya ako nakita na naglalakad ng nakahubad dahil madalas kong gingawa iyon! Shooocks!!
**
"Marami pong salamat, doc," nakangiting sabi ng babae kong client nang nakipagkamay siya sa akin.
Matamis akong ngumiti. "No problem, Misis. Tulad ng sinabi ko sa inyo, you can call me if there's any problem." malumanay kong sabi. Binitawan ko din ang kamay niya at hinatid ko siya ng tingin habang papalabas siya mula dito sa Opisina.
Nang umupo na ako sa swivel chair ay muli nagbukas ang pinto. Napatayo ako na naman ako nang makita ko na siya ang susunod na client! Pero ang hindi ko inaasahan ay may dala siyang bouquet. Wait, bakit bumilis ang t***k ng puso ko?!
"Hi, doc." nakangiting bati niya sa akin.
Sa una ay hindi ko siya magantihan ng bati dahil naalala ko ang histura niya kagabi. Kung papaano siya nagulat sa nakita niya. Nang makita niya ang baliwag side ko! "H-Hi..." sa wakas, nasabi ko din. "H-h-have a sit, Mr. Hochengco..." turo ko sa couch.
Sumunod siya sa sinabi ko. Kusang gumalaw ang katawan ko at umupo sa single couch na nasa kaniyang tapat lang. 'Ayos lang iyan, Eliza, makakalimutan din niya ang kabaliwan na nasaksihan niya kagabi!' kumbisi ko sa sarili ko. Pilit na ngiti ang umukit sa aking mga labi. And I'm trying my best to looked him straight in his eyes! "So... Let's start the session..."
"Actually, I'm not here as your client for today, doc." he said.
Natigilan ako. "H-ha? What do you mean?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.
Bago man niya ako sagutin, kinuha niya ang bouquet na nasa kaniyang tabi. Tumayo siya't lumabas sa akin. Napalunok ako dahil doon. Mas lalo ako nanigas sa kinauupuan ko nang masuyo niyang inabot sa akin ang bouquet na dala niya. "This is for you." he said softly.
Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan siya ulit. "N-nasabi ko na kahapon na... May protocol kaming sinusund, Mr. Hochengco. H-hindi ko matatanggap ito..."
"Kakasabi ko lang din, hindi ako narito ngayon bilang pasyente mo. I'm here to court you." masuyo niyang sambit.
"B-bakit?" iyan ang tanging lumabas na salita sa aking bibig.
Mas lumapad ang ngiti niya. "Because last night, I saw the amazing person I know, beside of my family. You. I saw the real you, Dra. Cutillion. And I want to be your king. King of your disaster."