Nagbihis sila ng overall nila doon mismo sa pinagkukublian nila, di sila pwedeng lumabas ng naka dress dahil magiging kahina hinala sila sa paningin ng mga nandun. Kung nag iingat sila ay tiyak din niyang mas nag iingat din ang mga ito, sino ba naman ang nanaising makulong. Maingat silang nagkubli sa mga poste at ilang mga lugar doon kung saan ay di sila mapupuna ng mga taong nandoon. May mha binoculars din silang hawak upang makita nila ang mga nangyayari sa loob ng barko. Ilang sandali pa ay naka daong na nga ng tuloyan ang barko. Nakita niya sil Trina at si Julie na palipat lipat ng lambitin sa mga bahagi ng barko. Ilang sandali pa ay nagsibabaan na ang mga kargamento, alam niyang sa mga sandaling iyon ay patuloy na sa pag play ang kanilang surveillance camera na inilagay sa mismong