Bawat hakbang nila ay tantiyado nila, sapat na upang di makagawa ng anumang ingay, mabilis ang mga kilos nila tanging ang mga mata lang nila ang nag uusap. Maliit ang butas na papasukan nila pero dahil maliliit naman ang kanilang mga katawan at sapat naman ang kanilang training, upang makayanan nila ang mga ganung klaseng obstacle. Makipot mainit at madilim ngunit mabilis at maliliksi sila. Isang minuto at kalahati din ang naging gapang nila, nang makatayo siya ay medyo komportable na ang pakiramdam niya. Di rin kasi maganda sa pakiramdam ang dumaan sa ganung klaseng daanan, humiwalay sila si Jana ng landas. "May tao, kubli muna!" Dinig niyang sabi ni H sa kanilang headset na maliit lang, ngunit malakas ang tunog niyon at malinaw nilang naririnig maski ang paghinga ni H. Alam niyang ki