Para lang silang mga baliw na magkahawak ang mga kamay alam niyang maraming mga mata ang nakasunod sa kanilang dalawa maging nang makalabas na silang dalawa, alam niyang maraming espekulasyon na kakalat na naman. Di na siya magugulat kung kumalat na naman na ex niya si Jhai. Nakakaloka ang mga tao ⁰pd9tßa mag isip lalo na sa mga ganitong mga pagkakataon, masyadong advance. "Kailangan na mag usap tayo na walang nakakakita at nakakarinig sa atin." Sabi niya sa lalaki. Tumigil naman ito sa paglalakad at hinarap siya, para siyang hinihigop nito sa uri ng tingin na ipinupukol nito sa kanya. "We will go to my apartment." Sabi nito na this time ay siya naman ang hinawakan sa kamay. "A-apartment mo?" Kinakabahan na tanong niya dito. "Yes my apartment, I will give you duplicate keys tomorro