Pilit niyang inabala ang kanyang sarili nang sumunod na araw, pinilit niyang wag buksan ang kanyang social media accounts, para makaiwas na din sa stress at sama ng loob lalo na pag makita na naman niya ang post ng anak ni Senator Monterey. Nakapanlulumo lang kasi lalo at masyado siyang naging invested sa lalaki nitong mga nakalipas na buwan. Sobrang asang asa siya na sila na nga hanggang sa huli. "Kalma lang bhest, wag mo na kasi masyadong isipin pa yun." Sabi ni Mia sa kanya. Halos baliktarin niya na kasi ang boarding house nila sa kakalinis, kahit na kakalinis lang naman nila nung friday dahil half day lang ang naging klase nila. "Kalma lang naman ako a, naglilinis lang ako dito." Sabi niya na pilit na nag concentrate sa kanyang ginagawa. Ganun nga siguro pag unang heart break, hira