When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Malayong malayo sa simple ang nasabing restaurant na sinasabi ni Kairo. Medyo nahihiya pa sila ni Mia na pumasok lalo at naka uniporme pa silang pareho ng kaibigan niya. Para silang na out of place lalo at di naman naka uniform ang mga kasama nila dahil pawang mga masteral nalang yata ang kinukuha ng mga ito sa St. Vincent University. "Tara na Girls." Sabi pa ni Kairo sa kanilang dalawa. "Hala di yata kami pwede diyan." Naiilang na sabi niya sa lalaki, na ngayon ay pinagbuksan sila ng pinto. "Sus pwede yan, ako ang bahala sa inyo, nasa loob na ang iba hinihintay na nila tayo." Sabi nito. Kaya kahit nahihiya siya ay bumaba nalang siya baka sabihin nito na masyado silang maarte at paimportante. Dinaig pa nga nila ang mga sosyalera na estudyante sa unibersidad na kanilang pinapasukan d