JHAI 12

2518 Words

Kinabukasan ay maaga silang ginambala ng sunod sunod na katok sa pinto nila, mabuti at maaga silang natapos sa paglalaba kaya nagluluto na siya ng agahan nang mga sandaling iyon. Si Mia naman ay abala sa pag lilinis ng kabahayan, pagpapalit ng mga kurtina at beddings nilang dalawa. "Ay hala baka ang landlord na yan." Sabi ni Mia na kaagad tumakbo papunta sa kwarto, marahil ay upang kumuha ng pera na pambayad sa boarding house. Dinukot niya ang dalawang libo sa kanyang bulsa upang iabot sa kaibigan bilang ambag niya dito. Dalawang taong mahigit na din na solo nitong binabayaran ang kanilang room, nitong huli sabi ng Nanay niya na wag na siyang magpadala dito at ibayad nalang niya sa boarding house ang pera para di naman nakakahiya sa kaibigan niya. "Ano yan?" Kunot ang noo na tanong nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD