"Napaano yang mukha mo?" Tanong ko pagpasok ko sa kotse pagkatapos ng klase ko. May sugat kasi siya sa kanang pisngi niya pati na rin sa gilid ng labi niya. Para siyang napaaway.
"Nakita ko kasing dumaan yung kotse nung kumag na nakaaway ko kanina eh kaya sinundan ko."
"Sinundan mo tapos nakipag sapakan ka?" Nabigla kong sabi sa sinabi niya.
"Hindi ko palalampasin yung ginawa ng gagung yun kanina. Dahil sa kanya kaya ka sinumpong." Salubong ang kilay niya sa galit.
"Tss sabi mo nga kanina sana sumpungin uli ako eh!" Inirapan ko siya nang maalala ang sinabi niya kanina.
"Sorry na, wala naman yun. Binibiro lang kita para kumalma ka!" Mababa ang tono na sabi niya.
"Joke? Tingin mo biro biro lang yun?" Sinamaan ko siya ng tingin. Sobra talaga ang inis ko sa lalakeng ito sa sinabi niya.
"Sorry! Nasabi ko lang rin yun dahil-" natigilan siya bigla. Hindi niya maituloy tuloy ang sasabihin niya dahil siguro kalokohan lang ang lalabas sa bibig niya.
"Basta, I'm so sorry, okay!" Malamlam ang mga mata na sabi niya.
Nakikita ko naman na sobra talaga siyang nagsisisi pero hindi ko pa rin makontrol ang mainis sa kanya. Hindi na lang ako nagsalita pa. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana nang i-start na niya ang kotse.
Ilang minuto nang makarating kami sa bahay. Dumiretso na akong pumasok sa kwarto ko. Matapos ko magbihis ay tinawag ako ni Manang Cora para maghapunan na kaya bumaba na ako. Sa dining room ay agad hinanap ng paningin ko si Dax pero wala siya. Siguro umuwi sa hotel or sa condo niya o pumunta sa bar niya. Pero bakit ko nga ba siya hinahanap? Matapos ko mainis sa kanya dapat ay wala na akong pakealam.
Kasama ko sa hapagkainan si Mavy at Caden at ang grandparents ko. Si Cohen malamang ay nasa walwalan. Bigla kong namiss ang parents ko. 4 days pa lang naman silang nawawala pero feeling ko napakatagal na. Kahit everyday silang nagvideo call ay miss na miss ko pa rin ang presence nila. Para sa kabuhayan naman namin kaya sila nasa malayo ngayon kaya kailangan kong tiiisin.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Umakyat ako agad sa kwarto ko matapos kong kumain. Tumambay ako sa balcony habang nagfe-fac ebook. Ni-like ko ang picture ni Red nung makita ko ang post niya. Hindi naman ako pala-react sa post ng iba lalo na kung lalake pero si Red halos lahat yata ng ipost niya ay nila-like o hina-heart ko. Ang lakas talaga ng dating niya sa akin. Naalala ko ang sinabi niya noon na narinig niyang nag-uusap ang mga parents namin ng about sa wedding. Wala pa naman sinasabi sa akin ang parents ko pero kung ipapakasal nga nila ako kay Red ay papayag ako. Matagal ko na siyang gusto at kahit na nagka crush rin ako sa iba, ibang iba pa rin siya. Siya talaga ang gusto ko. Walang wala ang Daxon na 'yun sa kanya. Kung ano man 'tong nararamdaman ko para kay Dax ay dahil lang sa nakita ko noon sa hotel. That's it, yun lang yun. Lahat ng ayaw ko sa lalake nasa kanya kaya imposibleng magkagusto ako sa kanya.
Naalala kong nagplano akong akitin siya para malaman ko kung may gusto siya sa akin kaso paano kung may gusto nga siya, baka mas lalong lumala pa yun sa gagawin ko.
Hays! Macy stop thinking about him. Wala lang siya sa'yo, yun lang dapat ang isipin mo!
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Binalik ko ang pansin sa cellphone ko kaya nawala na rin ang isip ko sa kanya. May ilang minuto akong nag stay sa balcony hanggang sa pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.
Pumwesto ako sa study table. May dapat pala akong ime-morize kaya yun ang ginawa ko.
Nag uumpisa pa lang ako mag-memorya nang makarinig ako ng kung anong tunog sa kabilang kwarto. Guest room ang kabilang kwarto at wala namang tao doon kaya napaisip ako kung ano bang tunog 'yun. Hindi kaya si Lolo ang naroon pero ang alam ko ay tulog na siya ng ganitong oras.
Hindi na nawala ang tunog kaya lumabas ako ng kwarto para pumunta sa guest room. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya sumilip ako, hanggang makita ko si Dax na nagba-barena sa wall.
Pumasok ako sa loob dahil nacurious ako sa ginagawa niya at kung bakit narito siya sa guest room. May kwarto naman siyang ginagamit kapag nandito siya sa bahay pero nasa ibaba.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang mga gamit niya. Lilipat ba siya rito?
"Hi!" Nakangiti niyang bati sa'kin nang makita niya akong pumasok. Tapos na siya magbarena. Nilagyan niya ng screw ang wall saka sinabit ang gitara niya.
"Bakit nandito ka?" Kunot noo kong tanong.
"I'm going to use this room starting today." Sagot niya.
"What? Why? Alam ba yan nina Dad?" Tanong ko kahit alam ko naman na hindi na siya iba sa bahay namin.
"Of course I'm allowed to use any room in this house. Kahit nga sa kwarto mo pwede ako eh!" Sarkastiko niyang biro. Alam ko namang nang aasar lang siya kaya hindi ko na lang yon pinansin pa.
Tumungo siya sa closet at inayos ang mga damit niya.
"Nag aaral kasi ako eh. Hindi ako makapag focus dahil naingayan ako sa'yo"
"Ganun ba, sorry!" Tumingin siya sa akin.
"Marami namang room dito pero bakit dito sa guest room, eh guest room nga 'to." Sabi ko habang pinapanood ang ginagawa niya.
"I'm your guardian diba! So dapat malapit lang ako sa'yo. Baka mamaya atakihin ka pa ng sakit mo eh mayari pa ko sa tatay mo, sabihin pang pinapabayaan kita." Sagot niya. Alam ko namang dahilan lang niya yun, at meron siyang ibang pakay. Kahit ano pa man yun hindi naman ako magpapauto sa kanya.
Tumalikod na ako para lumabas na ng kwarto nang tawagin niya ako kaya humarap uli ako sa kanya.
"Macy, can you treat my wound?" Pakiusap niya sa akin.
"Ha?"
"Paki-pahiran lang ng gamot hindi ko kasi matantya eh!" Sabi niya habang papalapit sa akin hawak ang first aid kit. Gusto niyang gamutin ko ang sugat niya sa mukha galing sa bugbog niya kanina. Kahit naiinis akong nakipag basag ulo na naman siya at kasalanan niya yun ay parang lumambot naman ang puso ko dahil nasaktan siya.
"Okay!" Sabi ko at kinuha ang first aid kit. Umupo kami sa couch para doon ko siya gamutin. Nilagyan ko ng betadine ang bulak saka pinahid sa pisngi niyang may sugat.
"Susunod sunod ka kasi doon sa tao hindi mo pala kaya." Naiinis kong sabi habang ginagamot siya.
"Nakaganti naman ako doon sa kumag na yun nung bumaba siya sa kotse niya sa isang building kaso naka stand by pala doon yung mga bodyguard niya. Nakita nila nung sinapak ko ang boss nila kaya sinugod ako."
"Ha? Mabuti ito lang inabot mo?" Bigla akong nag alala sa kwento niya.
"Ako pa ba? Bugbog sarado yung tatlong bodyguard. May mga dumating pang lalake ewan ko kung bodyguard din mga yun. Umalis na ko dahil siguradong mapupuruhan na 'ko dun." Pagmamayabang pa niyang sabi.
"Yabang mo talaga! Alam mo pag ikaw nakabangga ng katapat mo dahil sa kaangasan mo ewan ko na lang!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Sanay na kong may nakakabangga na katapat ko, wala naman silang nagagawa sa'kin!" Ngumisi siya.
"Yabang mo talaga!" Inirapan ko siya.
"Woah, I've never seen a girl as cute as you kapag nagagalit! You're really so cute, Macy!" Nakangiti niyang sabi habang namumungay ang mga mata na nakatingin sa akin. Bigla namang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Ilang lalake na rin ang nagsabi na cute ako pero bakit may kakaiba sa kanya.
Kinalma ko ang sarili ko dahil ayokong mapansin niyang affected ako sa sinabi niya. Sinadya kong idiin ang bulak sa sugat niya.
"Ouch naman, dahan-dahan naman!" Daing niya.
"Sorry ayaw kasi kumapit ng gamot eh!" Pagdadahilan ko.
Tapos ko na gamutin ang pisngi niya kaya yung nasa gilid ng labi naman niya ang sinunod ko.
Hindi ko napigilang titigan ang labi niya habang pinapahiran ko ng gamot ang sugat. Kahit nagyoyosi kasi siya ay mamula mula iyon. Medyo thick rin ang lips niya na feeling ko kapag nanghahalik ay kayang kaya nun sakupin ang bibig ng babae. Napalunok ako bigla sa naisip ko.
Bakit ba pakiramdam ko para akong nauhaw? Hays ano ba naman klaseng pag iisip 'to? Lumalala na ba ako at parang gusto kong matikman ang labing yun? Hindi pa ako nakakatikim ng halik pero ngayon ay parang gusto ko na maranasan.
"Do you want my lips?"
"Oo!" Wala sa sarili kong sabi at doon rin ako biglang natauhan. I saw him smirking.
"Wait! Ano? Anong pinagsasabi mo?" Medyo garalgal ang tinig ko. Parang bigla akong na-tense. I felt my cheek blush too. Tinanong niya ako kung gusto ko ang labi niya at sumagot naman ako.
Nakarinig ako ng yabag sa gawing pinto. Para akong nakahinga ng maluwag ng makita si Cohen na papasok sa kwarto.
"Bro, dito ka na?" Tanong ni Cohen kay Dax.
Doon ako nakahanap ng tyempo na lumabas na ng kwarto. Napatingin ako kay Dax na nakatingin sa akin bago ako lumabas ng pinto. Hindi ko na iyon pinansin pa at lumabas na. Pagpasok ko ng kwarto ko ay doon ako biglang nakahinga ng maluwag.
Kung bakit kasi pinansin ko pa yung labi niya. Nawala tuloy ako sa sarili ko!
Binagsak ko ang katawan sa kama at kinalma ang sarili. Maya maya ay narinig kong tumunog ang cellphone kong nasa ibabaw ng study table. Nakita ko sa notification ang message ni Dax. Bakit pa kaya siya nagcha-chat?
Inopen ko ang message niya.
Dax:
I actually want to taste your lips too.
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nakarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko at bigla na lang akong kinabahan nang marinig ang boses ni Dax.
♡