14. LIPS 💋

1653 Words

"Napaano yang mukha mo?" Tanong ko pagpasok ko sa kotse pagkatapos ng klase ko. May sugat kasi siya sa kanang pisngi niya pati na rin sa gilid ng labi niya. Para siyang napaaway. "Nakita ko kasing dumaan yung kotse nung kumag na nakaaway ko kanina eh kaya sinundan ko." "Sinundan mo tapos nakipag sapakan ka?" Nabigla kong sabi sa sinabi niya. "Hindi ko palalampasin yung ginawa ng gagung yun kanina. Dahil sa kanya kaya ka sinumpong." Salubong ang kilay niya sa galit. "Tss sabi mo nga kanina sana sumpungin uli ako eh!" Inirapan ko siya nang maalala ang sinabi niya kanina. "Sorry na, wala naman yun. Binibiro lang kita para kumalma ka!" Mababa ang tono na sabi niya. "Joke? Tingin mo biro biro lang yun?" Sinamaan ko siya ng tingin. Sobra talaga ang inis ko sa lalakeng ito sa sinabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD