bc

Maid Ako Ng Fiancé Kong Campus Bad Boy

book_age16+
24
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
badboy
student
maid
twisted
bxg
highschool
realistic earth
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Naglayas si Yna sa kanila upang takasan ang arranged marriage na matagal na palang naghihintay sa kaniya. Hindi niya mapapayagang makasal sa taong hindi niya naman gusto o mahal.

Napadpad siya sa Maynila at muntik ng mapahamak ang buhay kung hindi lang dumating ang isang lalaking mistulang superhero na nagligtas sa kaniya sa kapahamakan.

Ngunit sadya yatang kapalaran niya ang tinatawag na arranged marriage dahil mahaharap muli siya sa sitwasyong ito kasama ang lalaking nagligtas sa kaniya!

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Masayang hinawakan ni Yna ang medalyang suot at saka niya ito tinanggal upang itaas. Itinaas niya ito upang ipakita sa mga magulang niyang natanaw niyang kararating lamang at pilit na nakikipagsiksikan sa mga taong nagkalat. Graduation niya nang araw na iyon at nakakuha siya ng special award. Graduate na siya ng high school at excited na siyang mag senior high school. Mayroon na rin siyang strand na balak kunin kung saan nakalinya iyon sa kursong nais niya sa kolehiyo. Ang maging isang lisensiyadong inhinyero. Geodetic Engineering ang nais niya dahil madami na siyang naririnig na malaki ang kita at bukod pa roon ay talagang nais niya ring mapag-aralan ang tungkol sa lupa. Ang tungkol sa malaking kita ay upang matulungan na rin sa wakas ang mga magulang. Nang matapos na ang ay mabilis nang bumaba sa stage si Yna at patakbong lumapit sa kaniyang mama at papa. Walang sabi-sabi niya silang niyakap at isinuot sa kanila ang medals na nakuha niya. "Ma, Pa! Graduate na ang maganda ninyong anak!" masayang-masayang sabi ni Yna. Mangiyak-ngiyak namang niyakap nang mahigpit ni Melba ang kaniyang nag-iisang anak. Mahal na mahal talaga nilang mag-asawa ang kanilang anak kaya naman ginawa nila ang lahat upang mapagtapos ito sa high school. "Proud na proud kami sa 'yo, anak!" sabi naman ni Jorge na siyang ama ni Yna. Nang araw na iyon ay nag-celebrate ang mag-anak sa kanilang tahanan. Nagluto si Melba ng kalahating spaghetti at ilang piraso ng fried chicken. Masayang-masaya si Yna na hindi niya nahalata ang paminsan-minsang pagkabalisa ng kaniyang mga magulang... ******************** Nagdilat ng mga mata si Yna sabay hikab habang nag-iinat. Hula niyang tanghali na dahil sa liwanag na tumatagos sa gilid ng bintana niyang gawa sa kahoy. "Goodmorning, Madelyna Vivien!" masaya niyang bigkas pagkabangon. Dahil nga katatapos lang ng klase at may ilang buwan din ang bakasyon, ngayon na lang ulit niya na-enjoy ang pagtulog nang mahaba. Kaagad na siyang bumaba sa maliit niyang kama at mabilis ng lumabas sa kuwarto. "Mama! Papa!" masaya niyang pagtawag sa mga magulang matapos balingan ang orasang nakasabit sa dingding nila. Alas diyes pa lamang ng umaga at alam niyang sa ganitong oras ay naghahanda na ng tanghalian ang kaniyang mama. Nagpunta siya sa maliit nilang kusina at napakunot-noo siya dahil wala siyang nakitang kalat o anumang makakapagsabing nagluluta ang kaniyang mama. Bumalik siya sa sala at napatigil sa paglalakad nang tila may naririnig siyang mga boses sa labas. Narinig niya ang boses ng kaniyang papa ngunit ang ibang boses na naririnig niya ay hindi pamilyar sa kaniya. Nagpasya na lamang siyang lumabas upang makita ng personal ang sinumang kausap ng papa niya. "Papa?" Agaw-pansin niya. Nandoon ang kaniyang mama at papa kaharap ang isang lalaki na ngayon niya lang nakita. Sabay-sabay na nabaling ang tingin nila kay Yna. "A-anak... G-gising k-ka n-na p-pala," alanganing nginitian ni Melba ang anak. Napansin naman kaagad ni Yna na parang tensiyonado ang ina. "May problema po ba, Mama?" tanong kaagad ni Yna. "Yna, ito si Sir Steve..." ang ama ni Yna ang sumagot. Hindi umimik si Yna ngunit nagtatanong ang mga mata nito kung sino si Steve. Nakaramdam din si Yna ng hindi maipaliwanag na kaba habang nakatingin kay Steve. "Yna... Nandito siya para sabihin ang maaga mong pagpunta sa Maynila..." si Jorge muli ang nagsalita. Napaawang ang bibig ni Yna. Alam niya namang sa Maynila na talaga dapat siya mag-aaral ngunit nagtataka siya kung ano ang kinalaman niyon sa kanilang bisita. "Papa, a-akala ko po ba maghahanap pa tayo ng papasukan kong eskwelahan at titirhan sa Maynila?" alanganin niyang tanong. "Hindi niya pa rin alam?" bigla namang singit ni Steve. Mas lalong nagkaroon ng pagtataka sa mukha ni Yna. "Sir, puwede bang kausapin muna namin ang aming anak?" baling naman ni Melba kay Steve. Dinala nga muna nina Melba at Jorge si Yna sa loob ng bahay at doon sinubukang kausapin. "Mama, ano po bang nangyayari? Bakit parang..." hindi natuloy ni Yna ang sasabihin dahil sa biglang pagyuko ng ulo ni Jorge. Mas lalong tumibay ang duda niyang may hindi magandang nangyayari. "A-anak... S-sa Maynila ka na magpapatuloy ng iyong pag-aaral," mahinang turan ni Jorge. Natawa ng pagak si Yna at mabilis na lumapit sa nakatayong ama. "Sa Maynila naman na po talaga ako mag-aaral dahil hanggang high school lang po ang eskwelahan dito, 'di ba po?" "H-hindi lang iyon, Yna..." pinagsalikop naman ni Melba ang dalawang palad at mas lumapit pa kay Yna. "Ma, 'Pa, kinakabahan na po ako sa inyo. Puwede bang deretsahin na ninyo ako?" lukot ang mukhang ani Yna. "H-hindi ka namin kayang pag-aralin sa Maynila, anak. Pero iyong lalaking nasa labas ang magpapa-aral sa iyo... Sa kanila ka titira at wala kang poproblemahin sa kahit na anong gastos," umpisang pagpapaliwanag ni Jorge. Halos hindi naman humihinga si Yna. Hinihintay niya ang mga susunod pang sasabihin ng ama na inaasahan niyang magandang balita lamang. "P-pero m-may k-kapalit... Sa susunod na taon, pagtuntong mo sa tamang edad ay kailangan mong magpakasal sa nag-iisa nilang anak... K-kaya pagkarating mo sa Maynila ay kailangang ma-engage ka kaagad sa anak nila..." may bikig na sa lalamunang pagpapatuloy ni Jorge. Awang ang mga labi ni Yna at hindi makapaniwala. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at higit sa lahat, hindi niya alam kung anong mararamdaman para sa mga magulang. "Y-Yna... P-para sa iyo ito... Para sa pag-aaral mo ito... G-gusto naming matupad mo ang pangarap mong maging engineer kaya—" "Kaya ipinagkakasundo ninyo ako sa taong hindi ko pa nakikita o nakikilala? Kaya kayo ang nagdesisyon kung anong mangyayari sa buhay ko?" pagputol ni Yna kay Melba. Puno ng hinanakit ang kaniyang boses at hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig niya. "A-anak... A-alam mong nagkasakit ka dati, 'di ba? Nagkaroon kami ng malaking utang sa pagpapagamot sa 'yo a-at n-naisanla rin namin ang lupa natin... S-sana m-maiintindihan mo—" "Hindi ko naiintindihan!" sigaw na ni Yna sa kaniyang sariling ina. Kahit na nagulat din si Yna sa ginawa niya ay hindi siya humingi ng paumanhin. Bagkus ay nanginginig niyang tinakbo ang kaniyang kuwarto at mabilis iyong inilock. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at habol ang hininga. Hindi niya alam kung gaano katagal bago tuluyang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata hanggang sa tuluyan na nga siyang napahagulgol. Walang nababanggit sa kaniya ang mga magulang tungkol doon maliban sa paulit-ulit na sinasabi sa kaniyang makakapag-aral siya sa Maynila. Natanong niya na kasi dati kung kakayanin ba nila ang gastusin doon pati na rin ang titirhan niya. Ang sagot lang sa kaniya ay wala na raw problema. Akala niya pa naman ay talagang may naitatabing pera ang mga magulang para roon, iyon pala ay ipinagkasundo na siya nang hindi niya alam... Sa labas naman ay kinausap nina Jorge at Melba si Steve. "What are we going to do now?" tanong ni Steve nang malaman ang nangyari. "Tutuparin po namin ang pangako namin dahil napakalaki ng utang na loob namin sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo ay marami na sanang nawala sa amin pati na rin ang lupa't bahay namin dito. Kaya ipinapangako ko pong mangyayari ang ating napagkasunduan..." sagot ni Melba. "I'll go for now. Alam ninyo kung paano ako makokontak," nakangiting paalam na ni Steve. "Maraming salamat po, Sir Steve. Kami na po ang bahalang maghatid kay Yna sa Maynila," tila paninigurado naman ni Jorge. Nang makaalis na si Steve ay naluluhang niyakap ni Melba ang asawa. "Ginawa lang natin ang ginagawa ng magulang para sa kanilang anak... Maiintindihan niya rin tayo balang araw..." ani Jorge habang hinahagod ang likod ni Melba. ************************ Dahan-dahang bumangon si Yna mula sa pagkakahiga. Ingat na ingat siyang huwag makalikha ng ingay. Nagtungo siya sa pinto ng kaniyang kuwarto at bahagya iyong ibinukas. Alas-onse na ng gabi at nais niya munang matiyak na tulog na tulog na ang kaniyang mga magulang. Alam niya namang maaga silang nakakatulog doon maliban na nga lang ngayon kaya kailangan niyang matiyak na tulog na ang mga ito. Kaninang alas siyete na normal kasi nilang tulog ay kinakatok pa siya ng mga ito. Nakita niyang patay na ang mga ilaw sa sala kaya dali-dali niya ng dinampot ang backpack niyang puno ng kaniyang mga damit. Isinuot niya rin ang jacket niyang kulay itim na nangungupas na. Nakapantalon at stripes na puting t-shirt siya. Itinali niya rin ang mahaba niyang buhok upang hindi makaistorbo sa kaniyang mukha. Abot-abot ang kabog ng kaniyang dibdib at habol niya na naman ang hininga nang tuluyan na siyang makalabas sa kanilang bahay. Walang lingon-likod siyang tumakbo palayo roon. Walang laman ang kaniyang isipan kundi ang makaalis sa kanilang lugar at makaiwas sa arranged marriage na naghihintay sa kaniya...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.1K
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook