YATE

1244 Words

Pagkapasok namin ng kuwarto ay nakatulog din agad si Nick pagsampa sa kama dahil sa kalasingan. Hindi na ako lumabas pa, ni-lock ko na lang ang pinto at natulog na rin ako sa tabi ni Nick. Nagising ako kinabukasan na mag-isa na lang sa kama. Pumasok ako ng bathroom para maghilamos at mag-toothbrush. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay nagamot na ang sugat sa noo ko, may tapal na. Mukhang ginamot yata ni Nick habang tulog ako, dahil bago ako makatulog kagabi ay wala pa ito. Nang matapos mag-toothbrush ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba. Akala ay pumasok na si Nick sa trabaho nito at mag-isa na lang ako sa bahay, pero pagbaba ko ay naamoy ko halimuyak ng nakakatakam na pagkain. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkagutom, kaya naman sinundan ko ang amoy hanggang sa napadpad ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD