For the better
Mariin akong napapikit at dali-daling tinakip ang mga braso sa bandang ulo para proteksyonan ang sarili.
"Papa stop it!" dinig kong sigaw ng kararating lang na si Kuya Zeno na agad humarang at yumakap sa akin. I immediately looked at him and I somehow felt relieved. Feeling ko nagkaroon ako ng kakampi. Parang may dumating na superhero.
My eyes started to water but I stopped it. Hindi ako makapaniwalang hindi pa rin nauubos ang mga luhang ito.
"Sinasabi ko sayo Zeno tumabi ka jan kung ayaw mong sayo tumama tong bote na to ha!" sigaw ni Papa. Pulang pula ang muka nya hanggang leeg. His blood shot eyes are sending me death glares and I can feel from here how much he hates me.
"Papa.." mahinang sabi ko bago tumakas ang isang hikbi.
"Hayup ka sabi nang wag mo kong matawag tawag na Papa! Hindi kita anak! Inutil!" galit na galit na litanya niya bago padarag na nilaglag lahat ng nasa lamesa sa harap niya.
Nanginig ako sa takot. Naramdaman ko ang mariin na hawak ni kuya sa braso ko na tila ba sinasabing hindi niya ko pababayaan. "Lasing ka lang, Pa, matulog ka na lang muna plea--"
"Hindi ako lasing! Antigas ng kokote niyang batang yan!" Matalim na tingin ang iginawad niya sa akin. "Hindi ba't sinabihan na kitang ayaw kong nakikita yang pagmumuka mo! Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko yang kulay abo mong mga mata! Ni hibla ng buhok mo nagpapainit na ng dugo ko! Bat ka lumabas ng kwarto mo ha?! Punyeta ka talaga eh no!" sigaw niya at hinagis sa banda namin ang bote ng alak.
Bahagya akong napasigaw sa tunog ng tumamang bote sa likod ni kuya. Kitang kita ko ang pag-ngiwi niya sa sakit na naramdaman. Tuloy-tuloy na umagos ang luha ko.
"So-sorry po.. Hindi-di n-na po muulit. P-papa..." Nagbato pa ulit siya ng gamit at malakas itong tumama sa dingding.
"Wala kang kwenta! Manang mana ka sa nanay mong malandi! Nandidiri ako sayong animal ka! Sinira mo ang buhay namin! Konti na lang baka mapatay na kita!" bulyaw niya habang pagewang-gewang na lumalapit samin at halatang lasing na lasing na.
Nanlaki ang mata ni kuya sa lumabas sa bibig ni Papa "Tama na yan, Pa!" at agad itong tinulak nang malakas bago pa man tuluyang makalapit sa amin. Napahiga ito sa sahig nang nakapikit.
Nanghina ang tuhod ko at napaupo sa sahig. "Kuya sorry, kuya. Nagutom-" halos hindi ako makapagsalita nang maayos kakahikbi. "Nagutom lang talaga ko, Kuya. Hindi ko na kasi matiis, kuya, sorry po." Iyak ko.
"Sshh. Wala kang kasalanan, Nari." Lumuhod siya sa harap ko para matapatan ako. "Sorry na-late ng uwi si kuya. May biglaan kaming groupwork, hindi ako nakatakas. Sorry bunso." Alu niya sakin at niyakap nang mahigpit. Mas lalo lang akong naiyak.
"Tahan na, laki laki na eh, feeling baby pa rin ni kuya." natatawang sabi niya habang pinupunasan ang luha ko. Kahit nakangiti siya kita ko sa mata niya ang lungkot at awa. "Lika na kain na tayo, ano bang gusto mo?"
Habang kumakain ay pilit pinapagaan ni Kuya ang loob ko sa pamamagitan ng pagku-kwento. Yung usual na kwento niya sa kung ano yung mga kakaibang nangyari sa araw niya. With Kuya Zeno by my side, I feel like I'm having a glimpse of what it feels like to be outside. I can say that he's really the one who took care of me since I was little.
Tuwing nagkakaroon siya ng oras, he would share his learning materials with me and teach me a lot of things since ayaw ako pag-aralin o palabasin ni papa kasi kahihiyan lang daw pag-nakita ako ng tao dahil ako ang ebidensya ng pagtataksil ni mama. In short, Kuya Zeno's like my teacher, my bestfriend and my brother all in one.
I can feel the lump in my throat as I try to fake a smile while listening to his stories. Mula nung ipinanganak ako, halos sa loob lang ng kwarto ko umiikot ang mundo ko. Nakakarating lang ako sa kusina at sala tuwing wala o tulog si Papa gaya ngayon.
Oo nga pala, hindi ko raw siya Papa. Maaga akong namulat sa katotohanan na anak ako sa labas. Kuya Zeno had a perfect family until I was born. Our mom died due to a complication while delivering me. Papa was probably immediately horrified when he saw how I look. With my very fair complexion, obvious gray eyes and brown curly hair, hindi maipagkaka-ilang ibang dugo ang nananalaytay sa akin.
Laging sinasabi ni kuya na magkamukha raw kami pero halata namang hindi. Walang ibang kulot sa pamilya kundi ako lang. Itim na itim din ang mata nila, hindi tulad ng sa akin. Moreno rin sila kuya hindi gaya ko. Ilong lang namin ang masasabi kong magkahawig.
Base sa mga pictures na nakita ko, flight attendant si mama. Dun ko na nabuo ang konklusyon na marahil ay may nakarelasyon o nakilala siyang ibang lahi at itinago iyon kay Papa.
Papa is right. I destroyed their family. Kung hindi ako nabuo, hindi mamamatay si mama. Hindi magkakaroon ng anak sa labas. Kumpleto sana sila. Tama nga ata si papa, salot ako at kamalasan lang ang madadala ko kung mananatili ako sa pamilyang ito.
I stopped a tear from falling and flashed another smile to Kuya Zeno. I've made up my mind. "Kuya, jamming muna tayo bago matulog, dalhin mo yung gitara mo sa kwarto!" masayang sabi ko.
"Ngi, ano yan papakantahin mo na naman ako hanggang makatulog ka? Laki mo na bunso ah, anubayan." Biro niya.
Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing naiisip na maaaring ito na ang huling beses na makakasama ko siya bago matulog. "Kuya naman ngayon na nga lang eh, sige na kasi!" pilit ko sa kanya.
Natawa naman siya. "Oo na malakas ka sakin eh."
Pagkaligpit ay pinaakyat na ko ni Kuya. Siya na raw ang bahalang mag-ayos kay Papa. Halos maiyak pa rin ako tuwing naaalala ang nangyari kanina.
"Oh last song na, last song na ah. Late na bawal magpuyat." sabi ni kuya pagkatapos tugtugin ang pangatlong kanta.
Napangiti ako. "Kuya 18th birthday ko na next month, anong wish mo for me?" Tanong ko.
Tila napaisip naman siya nang malalim. "Hmm.. Well, I wish you nothing but happiness and ofcourse for you to reach your dreams." sabi niya habang marahang nakatingin sakin. "Tanda mo when I lend you some magazines before and you told me that you want to be like those models that are oozing with confidence and carry themselves well? I wish that you fulfill those dreams someday." Dagdag niya pa.
I smiled widely, holding back the tears. "Sige promise ko yan sayo, Kuya. One day, I will be the epitome of a strong-independent and confident woman." Bahagya pa siyang natigilan sa sinabi ko atsaka ngumiti nang malungkot.
Ginulo niya ang buhok ko. "O sya tulog na tulog na." Kiniss niya ko sa noo. "Goodnight, bunso." Lalayo na sana si kuya nang niyakap ko pa siya. "Goodnight, kuya."
Napahalakhak siya at lumakad na para patayin ang ilaw. Bago pa niya masara ang pinto, tinawag ko pa siya.
"Kuya!"
Lumingon siya, "Hmm?"
"I love you!" Napatawa siya at umiling-iling habang nakangiti.
"I love you too!" Bago niya sinara ang pinto.
This is for the better.
Leaving would end Papa's misery. It would save him from losing himself. Maybe leaving is really the least that I could do for this family.