Trine's Point of View Kahit madilim ay alam kong tumama sa katawan ng lalaki ang pagsaksak ko ng kutsilyo dahil naramdaman kong may tumulo na likido sa kamay ko, and I knew it was blood. Nang masaksak ko ang lalaki ay mabilis na akong bumaba ng kama. Akala ko ay makakatakas na ako. Pero napahiyaw na lang ako sa sakit dahil sa biglang paghablot sa buhok ko mula sa likuran at malakas akong hinila, kung kaya muli akong mapaupo pabalik sa kama. “Huwag mo nang tatangkain pang tumakas, sinasabi ko sa 'yo, masasaktan ka lang!” galit na wika sa akin ng lalaki at mabilis na hinawakan ang pulsuhan ko. “Gago ka! Let me go!” Malakas akong nagpumiglas. “Mali ka sa sinasabi mong hindi ako mahal ng parents ko! Dahil mahal ako ng daddy ko! At nasisiguro kong hinahanap na niya ako sa mga oras na ito! An