OKAY naman ang unang pasok ko sa school, nakahanap ako agad ng mga friends. Kaya lang, 'yung four bodyguard ay pinasama pa rin sa akin ni Deo dahil nga hindi pa dumarating ang magaling na sinasabi niya, nasa ibang bansa pa raw at baka sa isang araw pa ang dating. Pero okay naman, tuwing papasok ako ay tamang hintay lang sa parking lot ang apat kong bodyguard para hindi agaw atensyon, dahil hindi naman nila ako kailangan pang bantayan hanggang sa loob ng klase. “Trine, look, it's beautiful. Bagay ba sa akin?” nakangiting tanong sa akin ni Aeia na agad na nilapit sa katawan ang isang red dress. “Yes, bagay na bagay sa 'yo,” ngiting sagot ko at nag-thumbs-up pa. Narito kami ngayon sa isang shopping mall kasama ng mga classmates ko na naging friends ko na. Wala na kasi kaming pasok mamaya