Napatitig sa akin si Deo, hindi ako nito agad sinagot basta tinitigan lang ako. Sinalubong ko naman ang kanyang titig, pilit kong binabasa ang sinasabi ng kanyang mga mata, pero bigo ako, hindi ko mabasa; napakalalim ng kanyang titig sa akin, nakakapigil hininga. Muli akong napalunok. Ang kaba ko ay mas lalong lumakas. “So ano, gusto mo pa rin ba ako o ayaw mo na? Sinasabi ko 'to para malaman mo, baka kasi iba ang inaasahan mo sa akin, Deo.” He didn't say anything and just stared at me with a blank expression. Pero kahit ubod ng seryoso ang kanyang mukha, mas lalo lang siyang nagiging guwapo sa paningin ko. “Pero okay lang kung ayaw mo na sa akin; I understand; kusang loob na lang akong aalis dito sa bahay mo at hindi magpapakita pa sa 'yo kahit kailan,” I said, my tears fell again.