Tinangka ko pang agawin ang manibela kay Aless para lang mahinto ang pagmamaneho nito, pero mabilis nitong nahawakan ang braso ko at patapon na binitawan na siyang kinaigik ko sa sakit dahil tumama lang naman sa bintana ng sasakyan. “Wala akong alam sa pinagsasabi mo, Aless! Please, ibalik mo na ako sa mansyon dahil kailangan ko pang ipagluto si Deo ng lunch! Nangako ako sa kanya na dadalhan ko siya ng pagkain sa kanyang opisina!” Pero hindi na ako nito sinagot pa, bagkus ay umigting lang ang panga na tila mas lalong nanggigil. Pakiramdam ko ay umuusok na ang ilong at tainga nito dahil sa sobrang galit base sa ekspresyon ng mukha nito, tila pulang-pula, pati mga mata ay ganoon din, at parang naluluha. Naiiyak ba siya dahil sa nangyari sa kanya? Hindi ko mapigilan ang kabahan at medyo na