Ang inaasahan ko ay magigising ako kinabukasan na hubo't hubad sa kama. Pero hindi, bagkus nang magising ako ay iba na ang suot ko, isang terno na pantulog at talagang nakakumot pa ako. I asked the maid who entered my room kung sino ang nagbihis sa akin, ang sagot sa akin ay siya dahil 'yun ang utos ni Deo sa kanya kasi hindi ako puwedeng matulog ng basang-basa. And I was surprised, hindi nga sinamantala ni Deo ang pagkalasing ko. At ngayon ay kasalukuyan na kaming nagbe-breakfast dito sa tabi ng swimming pool. “Deo, thank you for taking care of me last night.” “You're welcome. So how's your sleep? Nakatulog ka naman ba ng maayos?” I nodded. “Oo naman. Ikaw ba?” “Hindi eh, iniisip kasi kita.” Napahinto ako sa paghigop ng coffee sa cup ko. “Ha? Pero bakit mo naman ako iniisip? Dahil