Don't Mess With The Billionaire Chapter 4 "SIKTI-One, sikti-two, sikti- Ano bang kasunod, Aba?" Ngumiti si April nang mapakamot sa batok ang anak niyang si Alamo. Binibilang nito ang iba't ibang uri ng bulaklak sa bakuran ng bahay nila galing sa mga ligaw na d**o. Ito iyong lumang bahay ng mga magulang niya na totally ay yari sa kahoy. Dahil nga sa may kalumaan na at napabayaan kaya paunti-unti ay pinaayos muna niya ito para magsilbing kanilang bagong tirahan. Ang kaso ay hanggang sa dingding at bagong pintuan lang ang nakaya ng budget niya, na inutang pa niya kay Garett kaya ngayon sira-sira pa rin ang ilang bahagi ng sahig at kailangan pang palitan ang kinakalawang nang mga yero. Bukod doon ay natitiyak niyang ligtas sila roon. Nasa liblib na rin kasing parte iyon sa kanilang nayon.