In the months that followed, I spent most of my time at home, focusing on regaining my strength. I dedicated my days to exercise, working to restore my health. Each morning, I accompanied my mother to the market, helping her with cooking and cleaning. I could feel the gradual return of strength in my body.
One day, while I was outside washing clothes, my mother approached me, holding my cellphone.
"Anak, ito pala yung cellphone mo," sabi niya nang may ngiti. Natigilan ako at agad siyang hinarap.
"Thank you po, Mama. Pakilapag na lang po diyan sa lamesa, mamaya ko na po 'yan bubuksan," nakangiti kong sagot sa kanya habang ipinagpapatuloy ang aking paglalaba.
"Nak, baka naman mapagod ka dyan ha. Sabihin mo lang sa akin para ako na ang tatapos," alala niyang sabi.
"Hindi na po, Ma! Kaya ko na po ito," sagot ko sa kanya sabay taas ng aking braso at ipinakita ang aking 'imaginary muscles.' Napatawa si mama sa aking kalokohan at sinabing,
"O siya, ikaw na ang bahala dyan. Basta tawagin mo lang ako kung may kailangan ka. Nandiyan lang ako sa sala." "Sige po, Ma. Magpahinga ka na lang po dyan." Nginitian ko siya bago bumalik sa paglalaba.
Ang pamilya nina alishia ay hindi naman kayaman, katulad nga ng binanggit sa libro ng Hunter Zero Online. Sila ay simpleng mamamayan lamang.
Alishia's father works in a factory, earning only minimum wage. Meanwhile, her mother stays at home, sometimes, she takes in laundry from wealthier families to help with household expenses.
It's a good thing the author mentioned this in a special chapter. The author gave a point of view to one of the male characters, though I can't quite remember which one. However, Alishia's family life is something I struggle to fully remember.
Natapos ko na kusotin lahat ng labahin. Pumunta muna ako sa kusina at uminom ng tubig. Umupo muna ako saglit. Napatingin naman ako sa cellphone ni Alisha.
"Buksan ko kaya." Nag aalinlangan pa ako kung bubuksan ko ba o hindi. Pero kalaunan binuksan ko din.
I was casually scrolling through Alishia's phone when I came across her messages on f*******:. One of the messages caught my attention, making me furrow my brow in curiosity.
"Pashnea ng taon" pabulong kong bigkas sa isa sa mga nickname na nakalagay doon. Binuksan ko yung mensahe at nagulat ako sa sobrang dami ng message.
05-08-2025
Pashnea ng taon
Ano na kabit ni imaw?
Puta nawala ka nanaman.
Ano tinulogan mo nanaman ako?
Sige na nga good night nalang kabit ni imaw.😘
Naalala kong tong date na to. Ito na yung di ko na kinaya ang sakit ko at sinugod ako sa hospital.
05-09-2025
06:30 am
Pashnea ng taon
Good morning kabit ni imaw.
Bakit hindi ka parin online?
Hoyy.
Dati naman ikaw nauunang magising satin.
Btw gotta go. Mag wowork out muna ako.
09:46 am
Pashnea ng taon
Done.

Maglaway ka sa muscles ko.
Hindi ka parin online. Ano nang nangyayari sayo?
Bahala ka dyan di na kita ichachat!
03:52pm
Joke lang pala
Btw coffee?

Chat mo nalang ako pag nah online ka na.
Mabubusy ako this week baka di ako makapag open.
Bye bye.
05-28-25
Pashnea ng taon
Ano na kabit ni imaw, di ka parin online?
Luh! Lakas ng loob ighost ako.
Cheee!
08-28-25
Pashnea ng taon
Birthday mo na!
Ilang buwan na kitang inaantay mag chat abaa!
Happy birthday kabit ni imaw 🎉
Kahit ghinost moko babatiin parin kita.
Ingat always.
Gotta go.
Ilan lang yan sa mga nabasa ko na message. Mareplyan nga.
"Nak, pagod ka na ba ako na mag papatuloy?" Tanong ni mama kaya di ko na natuloy ang balak kong pag rereply.
"Hindi po ma, kumuha lang po ako ng tubig." Tumayo na ako at nilapag nalang ulit sa lamesa ang cellphone at pinag patuloy na ang pag lalaba.
Tanghali na ng matapos akong mag laba. Sinampay ko na ang huling damit tsaka nag unat unat.
"Hayyyy, natapos din"
"Ate, tara na daw po at kakain na." Sabi sakin ng kapatid ko sa aking likuran.
Nag lakad na kami papunta sa kusina at nag kukulitan pa kami sa pag lalakad.
"O tama na yan halika na kayo dito. Kakain na tayo."
Napatingin kami ng kapatid ko at nag unahan umupo.
Napailing nalang ang magulang namin sa aming kalokohan.
Natapos na nga kami mag tanghalian. Pumunta muna ako sa aking kwarto dala dala ang cellphone.
Pagkahiga ko naisipan kong replyan ko na yung nag ngangalang pashnea ng taon.
When i open the data on my phone. Sunod sunod na may message agad na lumabas sa screen.
12-18-25
Pashnea ng taon
Hoyyyyy.
Online ka na!
Kapal tlaga ng muka nito oh.
Kakaonline lang sineen lang ako.
Abaaaa, nag offline ulit.
Aba t*ngina talaga nito.
Ilang buwan moko ghinost tapos iseseen mo lang ang poging si ako.
Sunod sunod na mensahe nito. Napatawa ako sa mga message nito hindi naman halatant iniintay nya talaga yung message ni Alishia.
Kabit ni imaw
Haha. Ang OA mo naman po.
Di kita ghinost no.
Nabusy lang kasi ako.
Tsaka nawala din yung phone ko
Ngayon lang ulit nakabili.
Di ko sinabi ang totoo para di na sya mag alala pa. Halata naman na malapit itong kaibigan ni Alishia.
Pashnea ng taon
P*ta, nag reply ka rin.
Parang gago kasi walang paalam.
Btw wait moko may something important akong ginagawa eh.
Ikaw nga inantay ko ng ilang buwan, dapat ako rin intayin mo.
Kabit ni imaw
Sira.
Sige na bye, pahinga muna ako.
Nagdownload nalang ako ng w*****d then hinanap ko yung Hunter Zero Online. Napakunot noo ako ng walang lumalabas.
Baka dahil nandito ako sa mismong libro kaya wala na yung story. Nagkibit balikat nalang ako at nag hanap ng ibang pwedeng basahin.
Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sa aking pag babasa. Alas singko na nung magising ako. Dali dali naman ako bumaba dahil mag luluto pa ako ng pagkain.
"Oh nak, nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Tanong ni mama habang hinahalo yung niluluto nya.
"Di moko ginising mama ako na sana yung nagluto."
"Ok lang naman nak at alam kong pagod ka." Hayyss wala naman na akong sakit pero ayaw talaga nila na napapagod ako.
"Tawagin mo na yung papa mo dun nak kakain na tayo."
"Sige po ma."
Pumunta ako sa sala at nakita ko si bunso at si papa sa sala na nanonood ng barbie.
"Pa, kakain na daw po sabi ni mama."
Sabay sabay na kaming pumunta sa kusina at nagsimula na kumain.
Nasa kwarto na ako at nag mumuni muni suddenly my phone rang.
Pashnea ng taon calling...
Napakunot noo ako at ilang saglit tiningnan ang aking cellphone
"Ano kayang problema nito?" Tanong sa aking sarili.
Sinagot ko nalamang ang audio call.
"Hoy, kabit ni imaw san ka ba nag pupunta at di mo manlang ako kinakamusta ng ilang buwan." Hindi ko malaman kung galit ba sya or ano.
"Wow, hello din sayo pashnea ng taon." Natatawa kong sabi sa kanya. "Diba nga po sabi ko nawala phone ko."
"Ewan ko sayo ang lame ng excuse mo nene."
"Oo nalang sayo totoy." With my annoyed voice.
"Cly can i talk to you for a minute." A woman voice. I heard clyden said yes. "Sige na muna ali, may pag uusapan lang kami ni shenna. Important daw eh, sorry."
"Ano ka ba ok lang yun. Mag papahinga narin naman ako." We exchange goodbye at natulog na ako.
____________________________________
A/N
Nabubuang na ako, di ko na alam kasunod nito.🥹🥲
Di ko na alam sunod na scene.🥹