Matamis akung napangiti ng matanaw ko ang mga naglalakihang bato sa dalampasigan na pwedeng akyatin at tumayo sa taas nito. Nandito ako sa nakita kung abandonadong resort noong isang araw. Nakuha niya talaga kasi ang atensiyon ko kaya hinanap ko ito at pinuntahan.
Alam kung marami pa akung trabaho pero ipinagpaliban ko muna ito upang pumunta dito ng maging payapa ang utak ko kahit sandali lang. Kahit sa ganitong paraan lamang makapag-pahinga ako kahit kaunti.
Wala na akung ibang ginawa kundi ang gawin ang trabaho ko at nakakalimutan ko na ang sarili ko at ang kalagayan ko. Kahit sa ganitong paraan lamang masaya na ako. Mahilig kasi ako sa mga resort or beach basta lugar na may tubig at magagandang tanawin.
At hanggang ngayon hindi parin ako pinapansin ni Daddy at nakigaya narin si Mommy na halos ikabaliw ng utak ko. Pamilya ko paba sila? Dahil sa isang pagkakamali nagawa nila akung hindi pansinin. Nasasaktan naman ako sa ginagawa nila.
Hindi ko na alam ang gagawin ko para pansinin nila ako o kahit kausapin manlang. Kung para sa iba ang swerte ko dahil anak ako ng heneral pero ang totoo maraming expectations ang nakapatong sa ulo mo na kailangan mo itong gawin lahat upang maging proud sila sayo at sa ganong paraan maipagmalaki ka nila.
Habang nag-aaral ako noon wala akung ibang iniisip kundi ang mag top palagi sa klase at maging huwarang anak. Palaging si Daddy ang sinusunod ko pati ang decision ko sa buhay. Noong una wala akung balak na pumasok sa military pero dahil iyon ang gusto ni Daddy sinunod ko hanggang kalaunan ay minahal ko na ang pagiging sundalo ko.
Kahit matamaan ako ng bala noon sinasabi lang sa akin ni Daddy nasa susunod huwag akung magpabaya dahil ang importante maging tagumpay ang mission ko. Alam kung mahal na mahal ni Daddy ang trabaho nito na kahit ang gusto nila ay si Kuya ang sumunod sa kanyang yakap pero dahil wala na ang Kuya ko wala na silang choice kundi ang pasunudin ako sa kanyang yapak.
Malalim akung napabuntong hininga at pinipigilan ang sarili ko na mapaiyak sa buhay na meron ako. Magkakaroon pa kaya ako ng sariling pamilya ko? Hanggang kailan ba ako dapat maging ganito?
Isang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin na naging dahilan upang tangayin nito ang buhok ko. Gusto ko lang naman ng matiwasay na buhay iyong palaging kompleto at masaya. Isang buong pamilya at higit sa lahat nagmamahalan. Pero mukhang malabo iyon mangyari sa akin dahil sa dadaan kay Daddy ang lalaking magugustahan ko. Kapag ayaw ni Daddy ayaw niya talaga.
Sabi pa niya sa akin noon ang gusto niya na mapapangasawa ko dapat ay isang sundalo na mataas ang posisyon. Lahat ng naging kasintahan ko pina background check niya tapos kapag alam niyang hindi kami magtatagal hinahayaan niya nalang. Pero sigurado ako na kapag darating ang panahon na darating ang lalaki na para sa akin si Daddy ang isang maging pagsubok namin dahil sa wala akung balak na mag-asawa ng kagaya kung sundalo. Alam ko ang panganib sa pagiging sundalo dahil sa hukay ang kabilang paa mo at sa mahal mo naman sa buhay ang kabila.
Itinuturing mo ng asawa at buhay ang paghahawak ng baril na kahit saan ka pumunta dala-dala mo ang baril mo. Ayaw ko ng ganong buhay dahil sa oras na ikasal ako bibitaw ako sa pwesto ko. Alam kung magagalit si Daddy pero susubukan kung ipaintindi sa kanya ang desisyon ko sa buhay. Ayaw kung habang buhay nakahawak lang ako ng baril at nagpapatayan.
Pero sa ngayon sisiguraduhin ko muna na mabubura ko sa mundong ito ang mga assassin na iyon. Matinding pasakit na ng ulo ang binibigay nila sa akin. Damn!
Dahan-dahan akung humakbang upang maglakad-lakad ng napansin ko ang lalaking nakatayo sandal sa niyog at hindi ako pwedeng magkamali dahil nakatingin ito sa akin. Kaagad na tumaas ang kilay ko dahil kahit sa malayo palang ito litaw na litaw na ang angking kisig at kagwapuhan nito.
Teka nga? Bakit may tao dito kung abandoned naman ang lugar na ito? Sabi sa internet na nabasa ko wala ng limit dito dahil sa luma na ang lugar na ito at masyadong ng sira para puntahan pa.
Tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ang lalaki na dahan-dahang humakbang at papunta ito sa akin. Sa hindi malamang dahilan hindi manlang ako gumalaw sa kinatatayuan ko bagkus ay hinintay ko ang lalaki hanggang sa tuluyan na itong makalapit.
Kaagad na nanlaki ang mata ko ng makilala ang lalaking ito. Ito ang lalaking nagkasagutan ko dati sa cafe na kulay grey ang mata at kaibigan niya iyong mga lalaki na ibat-iba ang kulay ng buhok at humingi ng pambayad sa ice cream. Hindi ako pwedeng magkamali dahil sa palaging bumabalik sa alaala ko ang mukha ng lalaking ito na talaga namang nakakahalina. Oh damn! What the hell are you saying Celine! Mangilabot ka naman sa iniisip mo self!
Nakatingin ang abong mata nito sa akin habang ako naman nanatiling nakatayo at pinagmamasdan ang bawat hakbang nito. Bigla itong tumigil sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay.
"Outsiders are not allowed here," biglang nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Paanong bawal ako dito? Patas lang naman kaming outsiders dito.
"This place is abandoned," sagot ko sa kanya na ikinatawa nito at nilagay ang kamay sa kanyang dalawang bulsa. Damn! Hindi ko mahilig pumuri ng mga lalaki pero iba ang dating ng lalaking ito.
"I owned this place," kaagad na napangiwi ako sa kanyang sinabi. "Talagang pinasira ko ang resort na ito dahil akin to at bawal pumasok ang outsiders dito," nanatiling nakatingin ako sa kanya at hindi pinansin ang sinabi nito. Walang nakalagay sa internet kung sino ang may-ari nito kaya hindi ako maniniwala sa lalaking ito kahit na nakakahalina ang kanyang mukha.
"Nagpapatawa kaba?" pagak kung saad at tinignan ito ng masama pero ganon parin ang reaksiyon nito sa akin. Mukhang hindi nga nagpapatawa ang lalaking ito sa kanyang sinasabi.
"I'm Kill," biglang nagulat ako sa kanya ng sinabi nito ang kanyang pangalan pero nanatiling nasa bulsa nito ang kanyang kamay. "I like you," biglang napaurong ako sa kanya ng walang gatol-gatol niya itong sinabi.
Literal na napalaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Anong klaseng joke ang pinagsasabi ng lalaking ito. Like? Hindi niya ba naalala ang mukha ko? Kasi ako kilalang-kilala ko ang mukha niya.
"Baka gusto mo itapon kita sa dagat ng magising ka sa kahibangan mo," bigla itong napahawak sa kanyang ulo at akma akung lalapitan ng itinaas ko ang kamay ko. "Look mister whoever you are, hindi ako kagaya ng ibang babae na madadala mo sa kagaguhan mo kaya tigilan mo ako. How can you like a girl that fast? Halata masyado na nanggago ka kaya lubayan mo ako dahil hindi mo ako kilala," seryosong saad ko sa kanya. Pumunta ako dito para makalimot ng problema tapos may problema din palang naghihintay sa akin dito na talaga namang nakakagago.
"I know what I am saying miss, kaya nga sinasabi ko ang pangalan ko para makilala kita. Wala namang mali kung naguso kita kaagad ng unang napatitig ako sayo at talaga namang nakuha mo na ang puso ko," pigilan niyo ako baka makapatay ako ng wala sa oras. Gusto kung humagalpak ng tawa dahil sa kagaguhan na sinasabi nito. Pero siya nanatiling kalmado at nakatingin sa akin. Siguro kung ibang babae ang nasa posisyon ko kikiligin na sa mga sinasabi nito pero ako pa talaga ang napili niyang gaguhin.
"Your totally insane," Pailing-iling kung saad at akmang tatalikuran ito ng mabilis nitong hinawakan ang kamay ko kaya walang alinlangan na umikot ako at sinapak ito ng buong lakas dahilan para mapabitaw ito at napanganga sa ginawa ko. "Sabi ko naman sayo hindi ako kagaya ng iniisip mo," dahan-dahan nitong hinawakan ang gilid ng labi nito ng may lumabas na dugo. Damn! Napalakas nga talaga ang pagsuntok ko sa kanya.
"And your so interesting," imbis na maawa ako mas tamang sabihin na deserve niya nalang ang suntok na ginawa ko. "Minsan lang ako nagkaka interes sa babae kaya alam kung gusto kita," akmang susuntukin ko ulit siya ng mabilis na nitong nasalo ang kamay ko at tinignan ako deritso sa mga mata. "I'm serious, I really like you," marahas kung binawi ang kamay ko sa kanya at itinulak ito. Nababaliw na ang lalaking ito. Imbis na mawala ang stress ko nadagdagan pa nga.
"Damn you!" malutong na mura ko sa kanya at mabilis itong tinalikuran. Hindi ako lumingon sa hinayupak na dahil sa inis ko. Sino ang ginago niya? Nahumaling pa naman sana ako sa mukha niya pero napaka taas ng tingin niya sa kanyang sarili. Mga ganyang lalaki at galawan alam mo ng babaero ito at hindi marunong magseryoso.
Sino ang ginago niya? Damn! Siya palang ang lalaking nakilala ko na nagustuhan ka kaagad sa isang tingin palang. Nakakagago lang ano? Sinira niya talaga ng buong-buo ang araw ko.
Tuloy-tuloy ako sa paglabas sa abandonadong resort na iyon na punong-puno ng inis ang buong utak at puso ko. Pumunta ako dito para kahit paano makahinga ako ng maayos at makalanghap lamang ng kaunting hangin kahit sandali lang. Pero ito pa pala ang madadatnan ko dito ang kaguhan na usapan.
Hanggang sa makapasok ako sa kotse ko naiinis parin ako. Hinampas ko ng sunod-sunod na beses ang manibela ko dahils sa inis sa lalaking iyon. Ang galing niya talaga manira ng araw. Sinong tanga ang maniniwala sa kanyang sinabi? Tanginang iyon!
Mabuti nalang pala sinapak ko siya ng matauhan naman kahit paano ang hinayupak na iyon. Sayang ang mukha niya kung gagamitin niya lang naman sa kagaguhan.
Malalim akung napabuntong hininga at pinausad nalang ang kotse ko ng makaalis na ako sa lugar niya daw. Iwan ko kung nagsasabi ito ng totoo nasa kanya daw ang resort na ito. Bahala siya sa buhay niya. Hindi niya siguro ako natatandaan ng magkasagutan kami sa cafe dati. Pero ako tandang-tanda ko ang mukha niya.
Habang nagmamaneho ako bumalik na naman sa alaala ko ang problema ko. Tangina naman kasi! Kung sana hindi tuluyang sinira ng hinayupak na iyon ang araw ko malamang kahit paano nakalimot ako sa problema ko. Wala na akung ibang ginawa kundi ang asikasuhin ang problema ko na kahit ang sarili ko ay nakakalimutan ko ng asikasuhin.
Mabilis kung pinatakbo ang kotse ng makarating ako kaagad sa bahay dahil sigurado hinahanap na nila ako. Hindi na ako makapag-pahinga sa mga gawain na nakaatas sa akin.
Pero kaagad na napakunot ang noo ko ng napadaan ako sa gilid ng isang tindahan kung saan may taong nagwawala na sa tingin ko ay mga lasing ito at may sinasaktan silang babae.
Mabilis kung pinarada ang kotse ko at kaagad na lumabas doon upang pigilan sila.
"Hoy!" malakas kung sigaw sa kanila dahilan para mapatingin sila sa akin at napataas ang kilay. Halatang nakainom nga sila dahil amoy na amoy ko pa ang alak dito.
"Umalis kana iha mga lasing sila," saad ng babae at kaagad itong humawak sa kamay ko. Tinulungan ko itong tumayo dahil sa mukhang nasaktan ang kanyang paa.
"Anong ginawa nila sayo?" tanong ko sa kanya ng tuluyan na itong makatayo at humawak sa kamay ko. Mapait itong napangiti at nilingon ang mga tatlong lasing na lalaki na ngayon ay nakangising nakaharap sa akin.
"Kinuha nila ang pera ng anak ko kaya pumunta ako duro pero ito lang ang natamo ko kaya umalis kana," sunod-sunod akung napailing at napatawa ng pagak sa sinabi nito. Malalaki naman ang katawan nila bakit sila magtrabaho.
"Mukhang mayaman ka ata Miss!" mas lalong naningkit ang mata ko na nakatingin sa kanila. Akala mo kung sinong mga siga sa kanto.
"Bigyan mo naman kami ng pang-inom namin!" ramdam ko ang paghigpit ng hawak sa akin ng babae kaya ngumiti ako sa kanya at dahan-dahang kinuha ang kamay nitong nakahawak sa akin.
Dahan-dahang lumapit sa akin ang tatlong lalaki na hindi mawala ang mga ngisi sa kanilang mga labi.
"Pwede karin naming gawin pampalipas oras pala," akmang hahawakan ako ng isang lalaki ng mabilis kung hinuli ang kamay nito at walang alinlangan na sinuntok sa tiyan. Kaagad itong napaurong habang hawak-hawak ang kanyang tiyan. Nanlaki ang mata ng mga kasamahan nito dahil sa ginawa ko pero ngumisi lang ako sa kanila.
"Anong akala niyo sa akin walang laban sa inyo? Kahit tatlo pa kayo hinding-hindi ko kayo uurungan," muli akung sinugod nila pero ngayon magkasabay na silang tatlo kaya wala akung nagawa kundi ang iwasan ang bawat tira nila. At ng makakuha ako ng tyempo walang awa kung siniko sa mata ang isa sa kanila at malakas na sinipa sa mukha ang isa. Kaagad silang napaurong at nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. "Hindi niyo ako kaya," akmang ako naman ang susugod sa kanila ng mabilis silang tumakbo palayo habang minumura ako. Mga wala palang kwenta!
"Maraming salamat talaga iha," Tumango ako sa babaeng kaharap ko kanina at kinuha ang wallet ko sa loob ng kotse sabay bigay sa kanya ng dalawang libo na ikinalaki ng kanyang mata lalo. "Ano ito iha?" nilagay ko sa kamay nito ang pira at matamis na ngumiti.
"It's yours," kaagad na sumupil ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Maraming salamat dito iha at makakabili na ako ng bigas namin," Tumango na lamang ako at hinintay na makaalis ang babae habang hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
Akmang papasok na ako sa kotse ko ng matanaw ko ang isang pulang kotse na naka parking sa gilid ng kalsada at nakasandal doon ang lalaking nakilala ko kanina sa resort at mariin ako nitong tinitignan. Kaagad na bumangon na naman ang inis sa akin. Tangina!
Tinignan ko siya ng masama at kaagad na pumasok sa kotse ko sabay paharurot nito ng mabilis. Tangina talaga niya!