Chapter 13 Hanna Nahanginan talaga ako sa lalaking iyon. Hindi ko alam subalit mabigat ang loob ko sa kanya. Parang napakayabang kasi ng dating niya para sa akin. Palabas na kami sa pintuan ni Angelo ng hawakan niya ang aking braso. "May problema ka ba sa akin, ha?" tanong nito sa akin. Bumaling ako sa kaniya, kunot ang kanyang noo. Masakit ang mga tingin niya sa akin subalit tinaasan ko siya ng aking kilay. "Wala, at bakit naman ako mamoroblema sa'yo? Excuse me at magpapahangin lang kami ng anak ko sa labas. Mataray kong sabi sa kanya sabay bawi ko ng aking braso. Tinalikuran ko na siya at lumabas na kami ni Angelo sa pintuan. "Iho, pagpasensyahan mo na ang pamangkin ko. Ganoon lang talaga iyon," hingi naman ang paumanhin ni Ate Des sa lalaki. Narinig ko iyon mula sa labas. "Pags