Chapter 22 Nagtungo kami ni Dexter sa Segundina Hospital. Iniwan niya lang kami sa parking lot ni Angelo dahil saglit lang naman siya. Hindi na kami pumasok ni anAelo sa loob ng hospital, baka kasi may makuha pang sakit ang bata. Mabuti na 'yong nag-iingat. Si Dexter, na ang pumasok sa loob upang kunin ang result ng dna test nila ni Angelo. Medyo kinakabahan ako sa magiging resulta ng dna test nila. Tumatalon-talon si Angelo sa aking kandungan. Nakatayo kasi ito sa aking mga hita. Para bang tuwang-tuwa ito. Ilan sandali pa ang lumipas tanaw ko na si Dexter, na papalapit sa kinaroroonan namin ni Angelo. Abot tainga ang mga ngiti nito sa kanyang labi. Nang dumating ito sa kinaroroonan namin binuksan niya ang pintuan ng kotse. "Nakuha mo na ang result tanong?" ko sa kanya nangbmaupo