Chapter 46 Hanna "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, Angelo!" Kinakantahan namin si Angelo, kasama ang mga bisita nito. Sumapit na ang kaarawan ni Angelo at dito ginanap sa Heaven City. Malawak kasi ang bakuran dito. Invited din ang mga kapitbahay dito sa Heaven. Lingid sa aking kaalaman dito pala plinano ni Dexter, ang kaarawan ng aming anak. Hindi man maganda ang pakikitungo ni Dexter, sa akin subalit hindi ko na lang iyon pinansin para walang gulo. Pagkatapos namin kantahan si Angelo, nagsimula ng kumain ang mga bisita. Subalit hindi ko inaasahan na may isa pa lang bisita na darating. Si Tina, sakay ang magarang kotse. Bumaba siya sa tapat ng gate ng bahay ni Dexter dito sa Heaven.. Agad na sinalubong ni Dexter si Tina. Hnalikan siya nito sa pisngi. Ma