Chapter 15 Hannah Dumating ang araw na kinuha na ni Allea, ang kanyang anak sa hospital. Ang ganda ng anak niyang babae. Mana sa kanya ang ilong nito. "Ang cute naman ng anak mo, Allea." Salubong ko sa kanya sa pintuan pa lang. Malawak naman ang ngiti niya na pumasok sa loob ng bahay. "Mabuti nga at nakalabas na ang baby ko sa hospital. Nang sa ganoon makakatabi ko na siya sa pagtulog ko," masaya nitong sabi sa akin. Naupo siya sa upuan na yari sa kawayan at pinagmasdan ang kanyang anak. Sumunod naman na pumasok sa loob ng bahay si Mama Lou. Agad itong nakatingin kay Angelo, habang nakangiti ng matamis. "Kumusta naman ang poging iyan?" tanong niya na ang tinutukoy ay si Angelo. "Katatapos niya lang po dumidei, Mama," sagot ko sa kanya. Excited naman na nilapitan ni Ate Des, ang sa