Chapter 44 Hanna Lasing na umuwi si Dexter sa bahay. Alas-dies na ng gabi siya nakauwi. Amoy alak pa siya. "Nasan si Angelo? Tulog na ba ang baby ko?" Lasing ang boses niya na tanong sa akin. Kapapasok niya lang galing sa labas. "Tulog na ang bata kaya huwag mo ng istorbuhin. Pumasok ka na sa kwarto mo at maligo, amoy alak ka!" Kahit naiinis ako pinanatilo ko pa rin na kalmado ang boses ko. Tumingin siya sa akin sa mapupungay niyang mga mata. Ngumiti ito ng nakakaloko. "Paliguan mo ako pwede?" Napakunot noo ako sa sinabi niyang iyon. May gana pa siyang mang-asar, ha? "At bakit naman kita paliguan? Ano ba kita? Wala ka bang kamay at paa? Iinom-inom ka tapos hindi mo kaya?" Sa inis ko bahagya ko siyang nasermonan subalit pangiti-ngiti lang siya. Ilang sandali pa tumakbo ito patungo