Chapter 2

1640 Words
Chapter 2 Dexter Walang kasing sakit ang nararamdaman ko ngayon ng malaman ko na si Allysa pala ang asawa ni Gabriel. Nag-aral ako sa Europe ng ilang taon ng neurosurgery. Isa akong General Doctor noo at dahil gusto ko pa madagdagan ang kaalaman ko bilang doktor, nagtungo ako sa Europe upang doon mag-aral ng neurosurgery. Girlfriend ko kasi si Allysa, palagi naman kaming nag-uusap sa video call, kaya nga ipinangako ko sa akin sarili na kapag nakauwi na ako at ganap ng neurology uuwi ako ng Holand, upang alukin ng kasal si Allysa. Kaya pagdating na pagdating ko sa Holand agad akong nakipagkita kay Allysa, sa park kung saan kami palaging nagde-date noon. Nag-set up pa ako ng table sa ilalim ng puno na naroon sa park upang maging maayos naman ang date namin at ang pagpo-propose ko sa kanya ng kasal. Tuwang-tuwa pa ako noong tinanong ko siya kung papakasal ba siya sa akin. At nag-yes naman siya sa akin. Akala ko abot kamay ko na siya at magsasama na kami habang buhay. Subalit parang gumuho ang mundo ko ngayon. Kasalukuyan nasa St. Monic ako. Tinawagan kasi ako ni Gabriel, sabi niya ipakilala niya ako sa kanyang magiging asawa. Subalit hindi ko akalain na ang girlfriend ko pala ang asawa niya. Puno ng hinagpis ang mga mata ko habang nakatingin kay Allysa. “Bakit ka nagsinungaling sa akin, Allysa?” hinagpis kong tanong sa kanya. “Dexter, let me explain,” umiiyak nitong sabi sa akin habang si Gabriel, nakangisi lang na nakatingin kay Allysa. “Sinagot mo ako noong nakaraan. Hindi ba, sinagot mo ang alok kong kasal? Tapos ngayon malalaman ko na kasal ka na pala sa matalik kong kaibigan?” panunumbat ko sa kanya. Ilan taon ba naman kaming mag-boyfriend at girlfriend tapos sa best friend ko lang pala siya mapupunta? “Sorry, Dexter. Hindi ko akalain na girlfriend mo pala si Allysa. Ito pala ang singsing na binigay mo sa kaniya. Sa iba mo na lang iyan ibigay,” wika pa sa akin ng walang hiya kong kaibigan. Gusto kong kamuhian si Gabriel at suntukin, subalit malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit nakapagtapos ako sa aking pag-aaral. Dahil din sa tulong niya financial nagkaroon ako ng pharmacy sa iba't ibang dako ng Maharlika. Subalit nabayaran ko na ang utang ko na iyon kay Gabriel, subalit utang na loob ko pa rin sa kaniya kung ano ang tinatamasa ko ngayon. Binigay ni Gabriel, ang singsing sa palad ko. Napakuyom na lamang ako habang nakatingin kay Allysa na umiiyak. Umiiling-iling ito. “Dexter, mahal kita. Hayaan mong makapagpaliwanag ako sa’yo,” sabi pa nito sa akin subalit sarado na isip ko. “Honey, ano pa ba ang ipapaliwanag mo kay Dexter? Kasal na tayo tapos tinanggap mo pa ang engagement ring na ibinigay sa’yo ni Dexter. Alam mo ba na ako pa ang pumili ng singsing na iyan? Iyon pala sa’yo niya rin ibibigay,” mapang-uyam na sabi ni Gabriele kay Allyssa. “Tumahimik ka, sinungaling ka!” sigaw naman ni Allysa sa kaibigan kong si Gabriel, na kanya ng asawa. Gusto kong magalit kay Allysa dahil sa pagsisinungaling niya. “Wala ka ng dapat ipaliwanag sa akin Allysa. Malinaw na sa akin ang nakita ko at nalaman. Sana maging masaya ka sa piling ni Gabriel.” Pagkisabi ko ay tumalikod na ako at umalis. Nagmaneho ako mula sa St. Monic, hanggang sa Holand. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Dahil sa inis ko tumuloy ako sa bar ng gabing iyon. Uminom ako ng ilang shot para kahit paano maibsan man lang ang nararamdaman kong bigat at sakit ng nararamdaman ng aking dibdib sa ginawa ni Allysa. Parang gusto ko ituon sa iba ang galit at inis na nararamdaman ko para kay Allysa, kaya nang makita ko ang isang babae na nag-iisa na nakaupo sa unahan ko dito sa bar ay walang alinlangan ko itong nilapitan. Walang sabi-sabi ay binuhat ko ito at dinala sa sisang silid sa building na ito. Sa ibba kasi ng building na ito ay disco bar at sa taas naman nito ay isang hotel. Kahit nagpupumiglas ang babae wala akong pakialam. Gusto ko mailabas ang galit at inis kong na nararamdaman kay Allysa. Parang ang tingin ko sa mga babae ngayon ay napakababa na. Sino ba naman ang hindi mainis? Nag-aral ako ng mabuti para maipagmalaki niya ako sa kanyang pamilya, subalit sa iba naman pala siya napunta. Walang alinlangan na inangkin ko ang babae. Nagulat na nga lang ako dahil virgin pa pala ito. Ngunit dahil sa kalasingan ko ay ipinagpatuloy ko ang aking ginagawang pag-angkin sa babae. Pagkatapos ko itong angkinin ay nakatulog pa nga ako sa tabi niya. Nagising ako bandang alas- tres ng madaling araw. Tingnan ko ang babae subalit natakpan ng kanyang mukha ang kanyang buhok. Nakadapa ito habang mahimbing na natutulog. Dahil wala akong sapat na cash sa aking wallet iniwanan ko siya ng $50. Bago ako umalis sa silid na iyon tiningnan ko pa ang singsing na binili ko para kay Allysa. Sa sobrang inis ko hindi ko na namalayan kung saan ko inilagay ang singsing kung nailagay ko ba iyon sa aking bulsa o kung saan ko ipinatong. Basta nagmadali na lamang ako na umalis sa silid na iyon at iniwan ko roon ang babae. Umuwi ako sa condo unit ko at doon ipinagpatuloy ko ang aking pag-iinom. Gusto kong kalimutan si Allysa at si gabriel. Subalit lalo lang sumasama ang loob ko dahil lalo kong naaalala ang pagta-traidor nila sa akin. Lumipas pa ang ilang araw pumasok ako sa Segundina Hospital. Isang private hospital na kumpleto ang mga aparatos at mga gamit. “Ang gwapo ng bagong doktor na pumasok.” Narinig ko na sabi ng isang nurse. Bumaling ako sa kanila at ngumiti. Hindi ko alam ngunit parang wala na akong pakialam sa mga babae. Kumuha ako ng papel at ballpen. Sinulat ko roon ang number ngvaking silid at ibinigay iyon sa kanya. Kung papasok siya sa silid na iyon ibig sabihin pinapayagan niya ang sarili niya na ibigay sa akin. “Wala akong gagawin mamayang alas-tres ng hapon, kaya pwede ka pumunta sa aking silid,” sabi ko sa isang nurse. Todo ngiti pa ito ng tanggapin ang papel na sinulatan ko. Tumuloy ako sa pasyente na mayroong tumor sa utak. Ni-refer ito sa akin ng kakilala ko rin na doctor. “Ano ang kondisyon ng pasyente?” tanong ko sa kasamahan kong doktor. “Nagse-siezur siya kahapon. Pero na examine na namin siya at mamaya malalaman ang result ng kanyang ct-scan,” sabi nito sa akin. Ibigay mo sa akin ang record niya at result ng mga test niya,” sabi ko sa kasamahan kong doktor. “Pag-aaralan ko kung ano ang sakit niya,” sabi ko pa rito. “Sige, Dr. Villega. Dadalhin ko na lang sa’yo rito mamaya,” saad nito sa akin. tumango-tango naman ako sa sinabi niya Kung hindi ako magkamali ay nasa 50 years old na ang pasyente. “ Dalhin mo na lang sa opisina ko para titingnan ko kung ano ang pwedeng gawin sa kanya,” wika ko sa kasamahan kong doktor na si Dr. Ledesma. Pagkatapos kong puntahan ang pasyente umikot naman ako sa ibang pasyente. Pagkatapos kong puntahan ang mga pasyente nagtungo na ako sa aking opisina. Ilang sandali pa may kumakatok sa pintuan kaya pinagbuksan ko iyon. Si Dr. Ledesma, ang nabungaran ko sa labas. “Dr. Villega, ito na po ang record ng pasyente kanina,” sabi niya sabay bigay sa akin ng long envelope “Thank you, Dr. Ledesma. Pag-aralan ko ang sakit ng pasyente kung ano ang pwedeng gawin sa kanya.” Tumangon-tango lang ito sa sinabi ko. Umupo ako sa akin swivel chair at tiningnan ang record ng pasyente pati ang ct scan nito. Pagkatapos kong basahin ang mga result ng pasyente ay nagpatawag ako ng meeting sa mga kasamahan kong doktor pati na rin sa head ng hospital. Kasalukuyan nasa conference room kami. “Mayroong Pleomorphic Xantoastrocytoma ang pasyente. Kailangan siya mag-undergo ng surgery. Kung hindi matanggal ang bukol sa kanyang utak maapektuhan ang iba niyang brain cells, kapag lumaki ang tumor na iyon,” paliwanag ko sa kanila. “Pero may diabetic ang pasyente dok,” sabi naman sa akin ng isang doktor. “Kailangan pababain ang sugar niya bago siya operahan at palaging e-monitor ang mga kinakain niya. Kailangan maoperahan siya sa lalong madaling panahon, habang hindi pa lumalaki ang tumor niya,” saad ko sa kanila. “Sige, dok. Ako na ang bahala mag-report sa doktor niya sa diabetes,” sabi naman sa akin ng isang doktor. Wala kasi rito ang doktor niya sa diabetes. “Pero hindi ba delikado na operahan siya, dok? Hindi na ba madala sa gamutan?” tanong naman sa akin ni Dr. Ledesma. “Hindi natin masigurado na madala sa gamot ang bukol na tumubo sa kanyang utak. Subalit sigurado ako na mapapagaling ant pasyente kapag matanggal ang tumor sa utak niya,” wika ko naman sa kaniya. “Sige, i-inform ko ang pamilya niya tungkol dito,” tugon naman sa akin ni Dr. Ledesma. Tumango-tango lang ako at pagkatapos tinapos ko na ang meeting. Pagsapit ng alas-tres ng hapon ay pumasok ako sa aking silid upang magpahinga. Mas gusto ko rito sa hospital dahil kahit paano nakakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko sa ginawa ni Allysa at Gabriele sa akin. At least nalilibang ako sa mga pasyente. Ilan sandali pa may kumatok sa aking silid pinagbuksan ko ito. Ang nurse na binigyan ko ng papel ang bumungad sa akin sa pintuan. “Hi, dok. Do you have free time?” Malandi nitong tanong sa akin. Ngumisi ako sa kanya at alam ko na ang ibig niyang sabihin. Walang sabi-sabi kinabig ko ito at isinara ang pintuan at ni-lock.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD