Prologue
Hanna
6 years ago.
“Ayan sa katakawan mo sa santol, sumakit ang tiyan mo. Ewan ko ba sa’yo, Hanna! Sino ba ang nagsabi sa’yo na lunukin mo ang buto ng santol?’’ panenermon ni Tita sa akin.
“Ginaya ko lang naman si Emerald, Tita. Nilulunok niya rin ‘yong buto ng santol,’’ sagot ko kay Tita habang namimilipit ang tiyan ko sa sakit.
Limang pirasong santol lang naman kasi ang kinain ko habang naglalaba kami ni Emerald sa ilog.
“Minsan ‘yang katangahan mo ang pinapairal mo! Huwag ka nga sumamasama riyan kay Emerald, ha? Mamaya mahawaan ka sa kalandian ng magtiyahin na ‘yan. Maigi pang si Ruby Rose na lang ang kaibiganin mo kaysa pamangkin ni Margaret!” sermon ni Tita sa akin.
“Mabait naman po sila, eh! Saka aalis na po sila sa susunod na linggo,’’ nakangiwi kong sagot kay Tita.
“Masampal na talaga kitang bata ka! Kung hindi lang talaga nagpapadala ng pera ang Mama mo hahayaan talaga kitang matulog sa labas,’’ galit na naman nitong sabi sa akin.
Mula noon talagang mainit na ang dugo ni Tita Emma sa akin. Pinagta-tyagaan niya lang talaga ako dahil may pera na pinapadala sa kaniya si Mama. Sinabi ko na nga kay Mama na huwag na siya magpapadala dahil may extra naman akong trabaho. Nakapagtapos naman ako ng high school at nakapag-college subalit isang semester lang ang natapos ko sa college bilang isang nurse. Gusto ko man magpatuloy subalit alam ko na mahihirapan lang ako palaging sinasabi ni Tita na wala rin silbi kung mag-aral ako at saying lang ang pera na igastos ni Mama sa akin.
Nanganganuhan si Mama sa Holand at iniwan niya ako kay Tita Emma dahil ang kapatid niya sa kaniya siya ang bahala sa akin. Walang araw na hindi ako tatalakan ni Tita lalo na kapag ma-late ang padala ni Mama.
“Tita ang sakit na talaga ng tiyan ko,’’ daing ko sa kaniya.
“Piste ka talagang bata ka! Kumuha ka pa roon ng mga santol at lunukin mo ng buo. Palibhasa kasi patay gutom kang bata ka. Hali ka sa barangay at may libring doktor ngayon doon!’’ galit nitong turan sa akin.
“Hindi ba puwede sa hospital na lang tayo pumunta, Tita? Araya ng sakit!’’ Halos mamimilipit na ako sa sobrang sakit ng aking tiyan.
“Gaga! Ano ka mayaman at sa hospital mo talaga gusto pumunta? Kumilos ka na riyan at may medical mission ngayon sa barangay. Pareho lang naman doktor ang titingin sa’yo. Karma ‘yan sa katakawan mo!’’ patuloy pa nitong sermon sa akin.
Pinilit kong makatayo subalit napapabaluktot ako sa sakit habang naglalakad palabas ng bahay. Kahit paano akay-akay rin ako ng tiyahin ko patungo sa brgy. Hindi naman malayo ang barangay sa amin dito sa San Luis.
Pagdating namin roon agad akong iniharap ni Tita sa isang doktor. “Dok, masakit ang tiyan ng pamangkin ko. Baka puwede unahin niyo muna siyang tingnan.”
Nahihiya ako sa pagsingit ni Tita sa isang pasyente na kausap ang doktor na babae. Ngumiti ito ng matamis kay Tita.
“Saglit lang, Ma’am, ha? I-refer ko na lang siya kay Doctor Villega. Saglit lang kararating niya lang kasi,’’ wika ng doktor.
Tinarayan pa ito ni Tito, kaya mas lalo akong nahiya. Maya-maya may lumabas sa isang tent at tinawag nito ang susunod na pasyente.
“Next patient po number 3!”
“Miss Del Fuente, puwede paunahin mo muna sina Nanay?’’ wika ng isang doktor na babae.
Suminyas naman tagatawag na pumasok na kami sa tent.
“Ikaw na ang pumasok roon at mainit sa loob. Uuwi na ako at bahala ka na umuwi. Humingi ka na lang ng gamot,” wika ni Tita saka tumalikod na ito. Hinayaan ko na lang siya kung ano ang nais niyang gawin kaysa naman ditto siya magtatalak.
Pumasok ako sa loob at isang nakaputing damit na lalake ang nakaupo sa swivel chair. Mamula-mula ang maputi nitong pisngi. Matangos ang kaniyang ilong ata malapad ang dibdib. Para siyang kahawig ni Ian Veneracion.
“Sit down, Miss!” utos nito sa baretonong boses.
Naupo naman ako sa harap niya habang pinipiga ko ang aking tiyan. Napapangiwi ako sa harap niya. Pinipigilan kong huwag mapangiwi dahil sa sobrang gwapo ba naman ng doktor na ito parang takot ako na pumangit ang aura ng mukha ko.
“Ano ang nararamdaman mo?’’ tanong niya sa akin.
“Masaki tang tiyan ko, Dok,’’ sagot ko sa kaniya. Sinusulat niya bawat sagot ko.
“Pangalan mo?’’ muli nitong tanong sa akin habang nakatutok siya sa kaniyang papel.
“Hanna Villes, po. Arayyy…’’ impit kong daing habang nakaupo sa harap niya.
“Ilang taon ka na?’’ Napakunot ang noo sa huli niyang tanong.
“Dok, masakit ang tiyan ko. Kailangan ko bang sagutin ‘yan? Hindi ako nag-a-apply ng trabaho para interview-hin mo” napipikon kong turan sa kaniya.
“Miss, kailangan malaman naman ang detalye tungkol sa pasyente namin. Kaya, sagutin mo na ang tanong ko!’’ masungit nitong saad sa akin.
Napasimagot ako dahil guwapo san kaso mukhang suplado.
“20!’’ mataray kong sagot sa kaniya.
“May asawa o single?’’ muli nitong tanong sa akin.
“Dok, pati ba naman ‘yan itatanong mo sa akin?” nangigil kong sabi sa kaniya.
Tumingin siya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay. Ang sungit ng dating ng mukha niya.
“Single!’’ mataray kong sagot sa kaniya sabay irap.
“May karanasan ka sa s*x?”
Mas lalo nanlaki ang mata ko sa tanong niyang iyon. “Wala nga akong asawa, s*x pa kaya? Gagamutin mo ba ako o sadyang tatanongin mo na lang ako sa personal kong buhay? Kung gusto mo malaman lahat sa akin, sige sasabihin ko sa’yo! Wala akong asawa at virgin pa ako! Kung tatanungin mo kung nakaranas na ako ng halik sa labi, wala rin! Kung-‘’ naputol ang sasabihin ko ng patahimikin ako nito.
“Shhh… Huwag kang dumaldal rito dahil tinatanong ko lang naman ang mga imposibleng nangyari kung bakit masakit ang tiyan mo!’’ paliwanag nito sa akin.
“Masaki tang tiyan ko dahil nilunok ko ang mga buto ng santol!’’ naiinisi kong sagot sa kaniya. Medyo nawawala-wala na ang sakit ng aking tiya. Pero may oras na sasakit na naman siya.
“Wala ka na bang makain, Miss? Bakit pati buto ng santol niluunok mo? Akala ko lang naman may uti ka, kaya tinatanong ko ang mga bagay na iyon dahil possible na makuha mo iyon sa pakikipagtalik,’’ saaad pa nito sa akin.
“Hindi ko alam kung doktor k aba talaga o nagpapanggap lang! Ngayong alam mo na nakalunok ako ng buto ng santol resitahan mo ako ng gamot para mawala ang sakit ng tiyan ko!’’ wika ko sa kaniya at sumakit na naman angaking tiyan.
“Alam mo bang dilikado ang maglunok ng buto ng santol dahil puwede iyan bumara sa tiyan mo? Puwede mo naman kainin ang santol pero bakit kailangan mo pang lunukin ang buto,’’ sermon pa nito sa akin.
Maya-maya nakaramdam ako na para bang uutot ako. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at bumuga na ang masalimuot na hangin mula sa aking katawan. Halos dumugo ang aking labi sa sobrang pagkagat ko dahil sa hiya.
“Ito ang tissue, idumi mo na muna iyan at baka mailabas mo ang mga buto ng santol!” sabi pa nito sabay abot ng tissue paper sa akin.
Sa sobrang kahihiyan ko kinuha ko ang tissue paper saka ibinato sa kaniya. Sa ginawa kong iyon nabigla siya sinalo ang tissue paper na tumama sa kaniyang mukha. Subalit natusok niya ang kaniyang sariling mata sa ballpen na hawak niya.
“Ouch s**t!’’ napapamura siya at hinawakan ang kaniyang mga mata.
Naramdaman ko na paran tatae ako, kaya dali-dali akong lumabas sa tent at patakbong umuwi sa bahay. Halos nanlalamig na ang buo kung katawan dahil sa pagpigil ko ng dumi. Hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman ko, kaya kahit magubat ang daan tumabi ako at nagtago sa puno ng acacia saka doon inilabas ang sama na nararamdaman ko. Wala naman makakita sa akin rito dahil bihira lang naman ditto daanan ng tao.
Tudo ire ako para lang lumabas lahat ng santol na nilunok ko. Mabuti na lang may baon akong papel at iyon ang ipinampunas ko sa aking puwitan. Pinagpawisan ako nang matapos kong ilabas lahat ng buto ng santol na nilunok ko. Sa wakas nawala na ng tuluyan ang sakit ng aking tiyan. Subalit naisip ko ang doktor na iyon. Hindi kaya nabulag siya? Kinakabahan pa ako dahil baka hahanapin niya ako at ipapakulong. Umuwi ako sa bahay at sakto naman nagsasaing na si Tita para sa tanghalian namin.
“Oh, nandito ka na pala. Nagamot na baa ng sakit ng tiyan mo?’’ nakapameywang na tanong ni Tita sa akin.
“Opo,’’ tipid ko na sagot.
“Kung ganoon maghugas ka na ng plato. Huwag kang buhay senyoerita rito dahil hindi ka mayaman!’’ Pagkatapos mo maghugas, mangutang ka ng sardinas doon kay Margaret. Sabihin mo na bayaran na lang kapag nagpadala ang Mama mo,’’ utos pa nito sa akin.
Naiinis talaga ako sa ugali ni Tita dahil magaling lang siya kapag may kailangan sa ibang tao tapos lilibakin niya lang din naman.
Mabait naman si Tita Margaret. Usap-usapan kasi na, kaya umuwi dito si Tita dahil hihiwalayan na siya ng mayaman niyang nobyo na nakabuntis sa kaniya noon, kaya umuwi sila rito ni Emerald. Usap-usapan din na pinalaglag daw ni Tita Magaret ang anak niya kaya pitong buwan pa lang ang tiyan niya noon lumabas na ang bata, kaya namatay. Matagal na rin ang panahon na lumipas at ilang buwan pa lang naman na bumalik sina Emerald at Tita Margaret ditto sa San Luis.
Pagkatapos kong maghugas ng plato nagtungo na ako sa bahay nila Emerald. May maliit lang silang tindahan.
“Emerald, nariyan Tita mo?’’ tanong ko kay Emerald habang nagsasampay pa lang siya ng mga labahan.
“Nariyan sa tindihan,’’ sagot ni Emerald at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.
Pupunta na sana ako sa tindahan nang may dumating na isang lalake na kasing edad lang din yata ni Tita Margaret.
“Emerald, Saana ng Tita mo?’’ tanong ng mama kay Emerald. Palagay ko mayaman ito dahil sa suot niya at postura.
“Nasa tindahan po, Tito,” sagot ni Emerald.
Humakbang naman ang mama saka dinaanan lang ako nito subalit nakangiti siya sa akin. Sumunod naman ako sa kaniya na nagtungo sa tindhan.
Pagdating pa lang niya sa pinto sinalubong na siya ni Tita Margaret ng tanong. “Anong ginagawa mo rito, Frederico? Paano mo ako nasundan ditto?’’
“Hindi na mahalaga kung paano kita nasundan. Bumalik ka na sa mansion,’’ pakiusap ng mama kay Tita Margaret.
“Frederico, alam mo naman na hindi kami magkasundo ng anak mo. Hanggang ngayon ako pa rin ang sinisisi niya sa pagkawala ng kaniyang ina. Kasalanan naman talaga natin dahil pumayag ako na tumira sa mansion mo,’’ mangiyak-ngiyak na wika ni Tita Margaret.
“Bumalik na sa Amerika si Enrico. Saka binili ko ang mansion na iyon para sa’yo. Bumalik ka na, Margaret. Hindi ako mabubuhay na wala ka. Si Emerald paaralin natin sa Amerika para gumanda rin ang buhay niya dahil alam ko na siya na halos ikaw na ang tumatayo niyang magulang,’’ sabi pa ng mama.
Nakita ako ni Tita Margaret, kaya tinanong niya ako. “Hanna, nariyan ka pala. May kailangan ka ba?’’
Pakamot-kamot pa ako sa aking ulo at nahihiya na tumingin sa kaniya. “Mangungutang sana ako ng Sardinas, Tita. Babayaran ko na lang kapag nagpadala na si Mama.”
“Sige, Iha. Saglit lang, ha?’’ aniya saka kumuha siya ng sardinas.
“IYan ang ulam mo, Iha?” tanong ng mama sa akin.
Tipid akong tumango-tango sa kaniya. Bumuklat siya ng kaniyang wallet at kumuha siya ng pera.
“Ito ibili mo ng ulam,’’ sabay abot niya sa akin ng 50 dollars.
“Hala, huiwag na po. Wala po akong pambayad niyan, subalit hinawakan niya ang aking kamay at ibinigay ang pera.
“Tanggapin mo na ‘yan, Hanna,’’ turan ni Tita Margaret.
Tinanggap ko naman ang pera saka nagpasalamat sa lalake.
“Salamat po ng marami.” Pagkasabi ko umuwi na ako.
Naabutan ko naman sa bahay ang kapitan ng San Luis, kaharap nito si Tita. Nang makita ako ni Tita pinanlakihan ako nito ng mata.
“Hanna, ano na naman ba ang ginawa mo?’’ agad na tanong ni Tita sa akin.
May idea na agad ako kung bakit narito ang kapitan ng barangay.
“Hanna, tinusok mo raw ang mata ng doktor. Nais niyang pagbayaran moa ng ginawa mo sa kaniya,” sabi ng kapitan.
“Hala, hindi ko naman tinusok ang mata niya, Kap. Sinungaling ang doktor na ‘yon!’’ pagtatanggol ko na sabi sa kapitan sa aking sarili.
“Wala ka na talagang ginawang tamang bata ka! Kung gusto siyang ipakulong ng doktor na ‘yon, hala dalhin niyo na ‘yan sa barangay ng madala!’’ utos pa ni Tita sa kapitan at sa dalawang tanod na kasama nito.
“Tita, hiindi ko naman tinusok ang mata ng doktor na ‘yon! Binato ko lang naman siya ng tissue, kasi umutot ako sa harap niya,’’ ang sabi ko pa kay Tita.
“Ang kagaga mo! Inututan mo na nga binato mo pa ng tissue! Tatanda talaga ang mukha ko sa’yo na bata ka!” nanggigil na sabi ni Tita sa akin.
“Hanna, sumama ka muna sa amin sa presinto,’’ yaya ng kapitan sa akin.
Wala akong nagawa kundi ibigay ang sardinas sa aking tiyahin at sumama sa brgy. Pagdating namin sa brgy agad naman ako hinarap sa doktor na titingin sana sa akin kanina.
Madilim ang mga mata nito na nakatingin sa akin at may sugat siya sa gilid ng kaniyang mata. Akala ko pa naman nabulag na siya.
“Ito ba ang tumusok sa’yo, dok?’’ tanong ng kapitan.
“Ikulong niyo po ‘yan ng isang gabi para magtanda. Sinabihan ko lang naman siya na idumi niya lang ang nilunok niyang buto ng santol at baka sakaling matnggal sa tiyan niya binato ba naman ako ng tissue. Paano kung natusok ang mata ko dahil hawak ko ‘yong ballpen ko?’’ wika ng doktor sa kapitan habang masakit itong nakatingin sa akin.
“Ikaw lang naman ang nakatusok sa sarili mo, bakit mo sa akin isisisi?” naiinis kong tanong sa kaniya.
“Sa halip humingi ka ng sorry ikaw pa itong galit!’’ aniya saka tumingin sa kapitan. “Sige, Kap! Kayo nap o ang bahala sa batang iyan. Babalik na ako sa Holand dahil may trabaho pang naghihintay sa akin.”
Tumayo ito at isang tingin muna ang iginawad niya sa akin na may halong warning. Sinalubong ko rin siya ng masakit na tingin bago siya umalis sa opisina ng brgy.
“Para bumaba ang kasalanan mo maglinis ka na lang ng banyo at magwalis ng buong opisina, Iha. Para hindi ka matulog sa kulungan mamaya,’’ sabi ng kapitan sa akin.
Wala akong nagawa kundi linisin ang public toilet ng Baranggay at maglinis sa buong opisina. Ala-sais na ako ng hapon nakauwi sa bahay. Mabuti na lang binigyan ako ni Kap ng tinapay at iyon lang ang kinain tanghalian ko kanina. Makita ko lang talaga ulit ang misteryosong doktor na iyon, bubulagin ko na lang talaga siya. Sabi ni kap isang mahusay na doktor daw iyon sa Holand at nag-volunteer na mag-medical mission ditto sa San Luis.