Pumayag ako sa pakiusap na iyon ni Clyde. Handa na siyang kausapin si Eva. Sa tingin ko, tama na rin ang oras na ‘to para ayusin niya ang mga dapat niyang ayusin. We set up a dinner appointment sa isang restaurant na malapit sa condominium. Pumunta si Von sa condo para pansamantalang samahan si Jacob. Nakabihis ako ng simpleng dress. Si Clyde naman, isang simpleng pants at shirt lamang ang suot. He tied his hair in a bun. Hindi pa siya nag-she-shave. But despite that, hindi ko maikakaila na sobrang kisig pa rin niya kahit na malaking timbang ang nawala sa kaniya. “Are you ready?” tanong ko. Tumango siya. We informed Claudia and Joseph Luna to join us. Pag-uusapan nila bilang isang pamilya ang mga magiging aksyon. Tahimik kami sa taxi. Hindi pa rin kasi puwedeng magmaneho si Clyde.