Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam paano ba uumpisahang kausapin si Eva. Kaibigan ko siya, pero sa ilang taong wala naming communication, I can say na maraming nagbago. Hindi siya ang Eva na naging kaibigan ko. “Eva, can you give him more time? Kailangan ni Clyde ng pang-unawa.” sabi ko. Alam kong wala ng magagawa pa. Si Eva ay ina ng anak ni Clyde. Kahit na anong gawin ko, wala ako sa posisyon para humadlang doon. Kaibigan lang akong nagmamalasakit. Mahirap mang aminin, pero mas malalim at matimbang na ang kaugnayan nila. Tumaas ang kilay ni Eva. “Matagal na akong umuunawa, Karisa. At ngayon, wala na akong lakas pa para habaan ang pang-unawa ko. It’s time we both take what’s ours.” giit niya. Natahimik ako. Hindi ako makapaniwala na kaya ng isang tao na magsalita ng ganito