Tahimik ako habang naglalakad papunta sa parking. Nagpaalam si Von dahil susunduin siya ng family driver nila dahil out of the way ang kanilang bahay. He waved at us. "Una na ako, bro." sabi ni Von kay Clyde. Tumango si Clyde at nakipag-fist bump. Ginulo ni Von ang buhok ni Jacob. "See you when I see you, big boy." aniya. Ngumiti si Jacob at kumaway. Tumingin naman sa akin si Von at kumindat. I smiled at him. Malaki ang pasasalamat ko at nilibang niya ang mag-ama sa bakasyong naisip niya. "See you around, Kari. Eva," aniya at tumango. Eva smiled at him. Pinanood namin siyang maglakad papalayo. Clyde looked at me. Tumikhim siya at tumingin sa labas. Hawak-hawak ko si Jacob sa kaniyang kamay, habang si Clyde naman, hila-hila niya ang dalawang suitcase nilang mag-ama. "Ano an