Kabanata 3

1849 Words
Hindi ko mawari kung bakit sobrang invested ni Lianne Fortalejo para lang madala ako sa opisina ng Disciplinary Action Officer. Naiiyak, nagagalit at gusto ko siyang saktan habang walang hiya-hiya niya akong kinaladkad sa school grounds. At mas malala pa, sa harap ng mga estudyante na walang klase at nasa labas. May ilan pa akong nakikitang kumukuha ng picture o video habang sinasabi ni Lianne na magnanakaw ako. Hindi ko mapigilang maluha sa sobrang habag para sa sarili. Kahit kailan,hindi pa ako nakakaranas ng ganito. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ito. Dumagdag pa ang exam na paniguradong hindi ko na makukuha dahil strikto ang propesor ko sa subject na iyon. Nanggagalaiti na tumingin sa akin si Lianne nang sa wakas ay nakaupo na kami sa harapan ng Disciplinary Officer. Mahapdi ang sugat na natamo ko dahil sa mahahabang kuko niya na bumaon sa aking braso. Kahit na kumikirot iyon at dumudugo, pero mas matindi pa rin ang hapdi na nararamdaman ko sa hiya at dignidad ko na nasira. “Ano ang nangyayari Miss Fortalejo?” tanong ng matandang opisyal. Matapang ako na binalingan ni Lianne. Nakakamangha na kanina lamang ay sobrang bait niya, at wala pang isang oras ay agad naging kalaban. “That girl has my cousin’s credit card. She stole it—“ “Hindi nga sabi eh!” sigaw ko bilang pagputol sa anumang sasabihin niya. Nagulat si Lianne at ang officer sa pagsigaw ko. Marahan na hinampas ng officer ang mesa para makuha ang atensiyon ko. “Miss Santos, just calm down. I don’t know what happened but we are here trying to solve this.” sabi niya at binalingan ako. “Hindi ko nga ninakaw ‘yan, Ma’am. Nakalimutan lang kunin sa akin ng may-ari—“ sabi ko na agad ding pinutol ni Lianne. “Really? My cousin said nawawala ang card niya? Paanong naiwan sa ’yo? If that’s the true case, eh hindi sana natatandaan niya? You’re lying!“ sigaw ni Lianne. Tumingin ako sa babae. Hindi ako makapaniwala kung paano kami umabot sa ganito. Kinuyom ko ang palad ko. “Hindi ko rin alam! Nagtatrabaho ako ng maayos tapos naiwan ‘yan! Kahit pa i-check ng pinsan mo kung may nabawas diyan! Hindi ako magnanakaw, mahirap kami pero hindi ako ganoon. Ma’am… maniwala po kayo.” sabi ko sa Disciplinary Officer. Huminga nang malalim ang Ginang at inutusan ang isang staff doon na tawagan ang numero ni Clyde na ibibigay ni Lianne. Narinig ko ang boses ni Mrs. Honasan habang pinapaliwanag kay Clyde ang nangyayari. Sumusulyap siya sa akin sa tuwing nagsasalita siya. Lumunok ako. Ang mga luha ay patuloy lang ang patak sa mata ko. Kahit pa maganda ang mga salita at malumanay ang tono noon, hindi maalis sa isipan ko ang nanunuri niyang mata na tinitingnan ako. Bumukas ang pintuan makalipas ang labinlimang minutong paghihintay. Bumungad sa akin si Clyde Harris Luna na nakasuot pang pormal. Nag-iwas ako ng tingin at mahigpit na kinurot ang palad para pigilan ang pagbuhos ng luha ko. “Sorry to keep you waiting, Mrs. Honasan. I am Clyde Harris Luna.” pakilala niya sa seryosong boses. Pinaupo siya ng Disciplinary Officer sa tabihan ni Lianne. “What the hell is happening Lianne?” tanong niya sa pinsan. “This girl stole your card. Here,” sabi nito. Kinuha ni Clyde ang card at pinagmasdan iyon. “Damn. I thought I lost it.” mura niya sa mababang tono. Tumikhim ang Disciplinary Officer. Nakaramdam ako ng matinding galit sa sinabi niyang iyon. Casual na casual at parang walang pakialam dahil sa wakas nakita na ang card niya. “Saan mo nakuha ang card ng pinsan ni Miss Fortalejo?” tanong ng matanda at tiningnan ang card na nilapag ni Lianne bilang ebidensiya. “Sa trabaho ko po, Ma’am.” saad ko at diretsang tiningnan sa mata si Clyde na nakatingin sa akin. “Sa Twist Me Bar. Naging customer ko po kagabi si Mr. Clyde Harris Luna dahil kaarawan ng pinsan niya. Binigay niya ang card niya matapos mag-order ng drinks at nakalimutan niya po iyong kunin.” paliwanag ko. Namilog ang mga mata ni Clyde sa tinuran ko. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Umirap si Lianne at pinagkrus ang mga braso. “Nakalimutan o sadya mong tinago? Alam ko na ‘yang style na ‘yan ng mga kawatan—” Tila nawala ang kontrol ko at gamit ang nakakuyom na kamay ay sinuntok ang mesa. Napapitlag ang Disciplinary Officer maging si Lianne. “Sinabi ng hindi nga ako magnanakaw!” sigaw ko. Tutal wala na rin naman akong dangal, hindi ko na para ikahiya ang aksyon ko. Gusto ko lang na ipaglaban ang sarili ko. “I don’t belie—“ “Stop talking, Lianne.” banta ni Clyde sa kaniyang pinsan. “What? I am just saying the truth, Clyde—” “I said f*****g stop talking!” sigaw ni Clyde sa nakakatakot na boses. Gumuhit ang takot sa mukha ni Lianne dahil doon. Nanatili naman akong nakatingin sa maigting niyang panga. Huminga nang malalim si Clyde bago binalingan si Mrs. Honasan. “I am sorry about that, Ma’am.” paghingi niya ng tawad kay Mrs. Honasan. Kinagat niya ang labi niya at tumingin sa akin. “You are Miss Blowjob last night, right?” tanong niya. Tumaas ang kilay ni Mrs. Honasan sa sinabi ni Clyde. Naguguluhan naman si Lianne sa pinsan niya. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang tumingin sa akin. His face softened and he even wet his lower lip. “I would like to clear this, Ma’am. But this girl right here is saying the truth po. I remember her. She’s a bartender and I ordered shots from her and paid with my card. I was probably drunk to remember that I left the card with her.” pagpapaliwanag ni Clyde. “What, Clyde?” malakas na sigaw ni Lianne na para bang napagtanto na niya ang nangyayari. Pumikit ako nang mariin. “I can assure you that she’s not a thief. I checked my bank at walang perang nakuha roon. This is just a misunderstanding between me, my cousin and this girl. I apologize for this.” aniya. Tumulo ang luha ko. Masaya ako na na-solve na ito. Matindi ang habag na nararamdaman ko. Hindi ito ang unang pagkakataon sa mundo na may gaya kong mahirap ang naalipusta at nayurakan ng ganito. Masaya na napatunayan na wala akong sala, pero ang abala at pagkasirang naidulot nito sa dignidad ko, hindi kayang bawiin. “If this is true, Mr. Luna… it means that Lianne needs to apologize to Miss Santos for this fiasco.” sabi ng matanda. “I do understand, Ma’am. Lianne will apologize to her. Hindi ba, Lianne?” seryoso ang boses ni Clyde sa sinabi niya. Kinagat ni Lianne ang kaniyang labi at tumango. “I-I am sorry, Karisa. I don’t know that. I hope you can forgive me—” I was quick enough to not let her finish. “Hindi ko po tinatanggap ang paumanhin niya, Mrs. Honasan. Bilang estudiyante, may karapatan ho akong magsampa ng reklamo sa lahat ng ginawa niya sa akin ngayong araw. Sinaktan, kinaladkad, pinahiya at inakusahan po ako ni Miss Fortalejo. This is a matter of my ruined dignity. Kaya hindi ko tinatanggap.” matapang kong sinabi at tumayo na. Laglag ang panga ni Lianne na nakatingin sa akin. Nawala ang kulay sa kaniyang mukha. Clyde shut his eyes and bit his lips. Si Mrs. Honasan naman ay tila hindi naiintindihan ang sinabi ko. “Mag-fa-file po ako ng grounds for expulsion ni Lianne Fortalejo. Maliwanag na nilabag niya ang handbook ng school. Tatawagan ko ang magulang ko para makapaghain ng pormal na sulat. Magandang araw ho.” pagpapatuloy ko at agad na lumabas roon. Gulo-gulo ang buhok ko. Huminga ako nang malalim at inayos iyon sa pamamagitan ng pagsuklay gamit ang daliri. May ilang estudiyante ang nakatingin sa akin. Pinalis ko ang luha at naglakad na papunta sa direksyon ng library para doon muna manatili nang may mainit na palad ang humawak sa akin para patigilin ako. Nilingon ko si Clyde Luna na banayad na nakatingin sa akin. “Miss Santos.” pagtawag niya sa akin. Mabilis akong pumiglas sa pagkakahawak niya. Hindi ko kayang mahawakan niya ako ngayon. Sinigurado ko na makikita niya ang disgusto sa aking mukha. Lumunok siya at nilagay ang mga kamay sa kaniyang bulsa. He looked calm and sorry pero wala akong pakialam. “Karisa, hindi ba?” tanong niya. Gaya ng kanina, wala siyang natanggap na sagot mula sa akin. “I am sorry. Lianne made a fuss and she deserves to be punished. Though, I want this to be fixed without going legal. This is just a misunderstanding and we can talk this out—” “Talk this out?” sarkastiko kong sinabi at kulang na lang ay tumawa. Maraming estudiyante ang nakatingin sa amin pero walang nangahas na lumapit. “Ano ang karapatan niyong hingin ‘yan sa akin matapos akong hindi pagbigyan ng pinsan mo na magsalita? Inakusahan niya agad ako ng walang paliwanag. At ikaw? Sinabi mo na ninakaw ang card mo? Wala ka bang sense of responsibility para makalimutan mo agad ang nangyari kagabi? O baka sadyang tanga ka lang?” tanong ko sa brutal na tono. Sumabog na ang pagtitimpi ko. Natigilan si Clyde sa sinabi ko. Lumingon siya sa mga estudiyante na nagbubulungan. Huminga siya nang malalim at bumaling ulit sa akin. “I am sorry if I offended you, Miss Santos. But Lianne cannot be expelled. Masiyadong mataas ang standard ng Daddy niya sa kaniya. This expulsion case will ruin her latin honors.” sabi ni Clyde. Tuluyang nalaglag ang panga ko. After all ng ginawa ng pinsan niya sa akin? Iyon lang ang masasabi niya? He’s worried about her latin honors? Paano naman ako? Paano naman akong naagrabyado nila? Walang kahit anumang latin honor ang makakapantay sa dignidad ko. Hindi na talaga ako makapaniwala! “Mawalang galang na ho, Sir Clyde… pero running for latin honors din po ako. At sa totoo lang, I will probably lose it dahil sa pinsan niyo. May exam po ako at this moment na hindi ko na-take dahil inakusahan akong magnakakaw.” halos sumisigaw kong sabi. Namutla si Clyde sa sinabi ko. Ang mga luha na pilit kong pinapatigil, namumuo na naman sa gilid ng mga mata ko. “I’m sorry. Hindi ko alam na—” “Iyan po ang problema sa inyong mayayaman. Palagi na lang na hindi niyo alam. Palagi kaming kawawang mga mahihirap kahit na wala kaming kasalanan. You could just point fingers at us any time kung kailan convenient para sa inyo dahil alam niyo na kayo ang mas papakinggan. Pero ito ho ang para sabihin ko sa inyo, wala akong balak na iurong ang reklamo ko sa pinsan niyo. Kaya umalis na po kayo.” banta ko at agad siyang tinalikuran. Hindi ako mayaman. Wala akong pera na kayang ipagmayabang. Kaya hindi ko hahayaang mawala ang dignidad ko. Dahil iyon lang ang mayroon ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD