Kabanata 4

1513 Words
Tulala ako noong pumasok sa trabaho. Abala ang lahat sa panibagong gabi. Inaasahan namin na mas marami ang mag-pa-party dahil na rin sa Friday night ngayon. Nag-iisip ako kung paano ko sasabihin kay Mama ang nangyari sa school, lalo na at ayaw ko na naiistorbo at mag-alala siya. Nasa ibang bansa kasi sila ni Ate at sa oras na malaman niya ang nangyari, maaring maging hudyat iyon para pasunudin nila ako roon na kinaaayawan ko. Pero sa isang banda, gusto ko rin na maging leksyon ito sa mga mayayamang gaya ni Lianne Fortalejo. Nagpupunas ako ng baso ang bumukas ang pintuan ng bar. Nakita ko roon ang bagong dating na si Clyde Luna kasama ang General Manager. Agad na sumiklab ang galit ko. Ano na naman ang ginagawa niya rito? Alam kong parokyano siya rito at kaibigan niya ang may-ari pero hindi man lang ba sumagi sa isip niya na rito ako nagtatrabaho at seryosong offense ang nangyari kanina dahil sa pinsan niya? Bumaling siya sa banda kung nasaan ako. Natigil ako sa pagpupunas ng mga shot glass at mabilis na kinuha ang apron lalo na at nakita ko siyang papalapit sa banda namin. “Sa kitchen lang ako, Hubert.” sabi ko sa kasama ko. Tumango ito at hindi ako pinigilan. Mabilis akong lumapit sa pintuan papunta sa bar nang bigla akong pigilan ng pagtawag ng General Manager. “Kari!” aniya. Tumingin ako sa kaniya. Hindi ko rin naman puwedeng hindi siya pansinin. Matabang ang tingin ko at sinigurado na hindi ito lalapat sa nasa tabihan niyang si Clyde. “Yes po?” tanong ko. Ngumiti ang General Manager sa akin at sumulyap nang bahagya kay Clyde. “Hinahanap ka ni Mr. Luna. Sumama ka muna. Ibigay mo muna kay Hubert ang apron.” utos nito at tiningnan si Hubert na mukhang nagulat rin. Huminga ako nang malalim at seryosong binalingan si Clyde Luna. May maliit na ngiti sa kaniyang labi. Humakbang ako papalapit sa kaniya. Sinubukan niyang magsalita pero inunahan ko na siya. “Sa labas tayo,” malamig kong sinabi sa kaniya at nilampasan ito. Hindi siya nagreklamo at sumunod sa akin. Diretso ang lakad ko hanggang sa mapadpad ako sa malawak na parking lot. May ilang bar goer na ang dumarating, patungo sa mga katabing kainan. Tumingin ako sa relo para maiwasan ang panoodin ang pagdating niya sa harapan ko. Alas siyete na ng gabi. “Ms. Santos.” tawag niya. Maigting ang bagang ko siyang tiningnan. “Kung naririto ka para kumbinsihin ako na iurong ang reklamo sa pinsan mo, hindi mo ako madadala diyan.” paglilinaw ko sa kaniya. Hindi siya gumalaw at binasa ang kaniyang ibabang labi. “No.” aniya at nilagay ang mga kamay sa kaniyang mga bulsa, “I am really here to ask for forgiveness.” dagdag niya. Natigilan ako nang bahagya. Nandito siya para humingi ng sorry? Kumurap ako pero nanatili siyang nakatingin sa akin. Sumandal ako sa pader. Ganoon din ang ginawa niya. “I won’t force you to withdraw your complaint. I realized that you are right. Dapat pagbayaran ni Lianne ang ginawa niya sa’yo. She accused you of stealing. No one should do that, kahit pa ano ang estado sa buhay.” He said. Nanatili ang titig ko sa aming mga paa. Sa ganitong puwesto, mas nakita ko ang kaibahan naming dalawa ni Mr. Clyde Luna. Ang kaniyang suot na sapatos ay talaga namang kumikinang at ang leather nito ay sumisigaw ng karangyaan, habang ang madumi kong sneakers, nakaawang na ang suwelas at kaunti na lamang ay matatagtag na iyon ng tuluyan. Mukhang napansin niya rin iyon kaya tumikhim ako at mas tinago pa iyon. “I am truly sorry for what happened today, Miss Santos. I already talked to your professor; you can retake your tests on your next meeting. Also, talked to everyone at school to delete some circulating pictures and videos of what happened. If you need something, just tell me. I want to do this right.” sabi niya. Sinara ko ang bibig ko. Ginawa niyang lahat iyon? Gemini University is a big University and asking all of the students to delete and take down posts might take a while lalo na kung wala kang boses gaya ko. Ganoon na ba talaga siya ka-powerful? He fixed everything in just a day? Pinaglaruan ko ang palad ko. Kahit na ganoon, may isang naglalarong tanong sa isipan ko. Huminga ako nang malalim at tiningnan siya. His eyes were brown. Makapal ang kilay kaya parang intense sa tuwing titingnan ka niya. Lumunok ako. “May tanong ako.” saad ko. Tumango siya. “Talaga bang hindi mo maalala na naiwanan mo ang card mo sa akin?” tanong ko. Tumayo siya ng tuwid at tumango. “Yes, I am telling the truth.” sagot niya. Hindi ako nakapagsalita. Alam kong mahirap paniwalaan pero mayroon sa akin ang naniniwala sa kaniya. Napakahirap na maniwala, lalo na at kagabi lang nangyari iyon. Hindi naman sa nais ko na maalala niya ako. I might be only a person he once met at mas lalong hindi ako importante sa kaniya para maalala. But it hurts. Masakit na parang hindi ka nag-e-exist sa mundo. Sa mga naging customer ko kaya? May nakakaalala ba sa akin? O mga lasing na lasing sila? “I was really drunk last night. I worked the whole day, I was in different meetings most of it, picked up and dropped off my girlfriend to their house, helped my best friend because she wrecked her car before going here. I was so tired and trust me everything got blurry when I take hard liquor. I am really sorry if I lost my mind last night. Dahil tuloy sa akin, you’ve been in trouble.” sagot niya. Kinagat ko ang labi ko. At least, he’s been honest about it. Mahigpit kong hinawakan ang bulsa ko sa likuran ng aking pants at tumayo na sa harapan niya. “Kung ganoon, salamat pa rin sa pagtulong. Papasok na ako dahil may trabaho pa ako.” pamamaalam ko. Pumihit na ako sa direksyon ng bar nang magsalita siyang muli na nakapagpatigil sa akin. “Wait, Miss Santos…” he called. Nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. “What’s your full name, again?” he asked me. Lumunok ako at tumaas ang kilay sa kaniya. “Bakit mo ako tinatanong?” curious kong tanong pabalik sa kaniya. He smiled. Kakaibang ngiti iyon. Magandang maganda kaya naman kumalabog ang dibdib ko. HE swiftly put his hands on his back pockets. “Nothing. I just want to remind you.” he answered. Umiling ako at naglakad na. But something inside me was saying na hindi naman siya mapanganib. It was like magic. Dahil lamang nag-sorry siya sa akin, hindi na agad siya harmful? Gusto kong batukan ang sarili ko. Ano ba ang iniisip mo, Karisa? My gut feeling was telling me that. Kaya naman sa huling hakbang bago ko mahawakan ang pinto, nilingon ko siya. Nakatayo pa rin siya roon at pinapanood ako. I closed my eyes. Ano ba ang naiisip ko? Pero pangalan lang naman hindi ba? Isa pa may grilfriend na siya at ano naman ang magugustuhan niya sa gaya ko? “Karisa Santos. Pero Kari na lang,” sagot ko sa kaniya gamit ang malakas na boses. Ngumiti siya at tumango. “Nice to meet you, Kari. You can call me Clyde,” pagbabalik niya sa akin. Tumango ako at tumalikod na. Isang mahika na biglang pumawi ng mga pangamba ang usapan naming iyon. Maganda na hindi ko na magiging problema ang magiging tingin ng mga schoolmate ko sa akin sa susunod na linggo. Nakapagtrabaho ako ng maayos. Pagod na pagod ako habang nasa service papauwi sa aking apartment. Nagpalit lang ng damit at nakatulog agad. Nagising ako noong bandang tanghali. Sabado naman kaya nakapaglaba ako, namili ng groceries habang naghihintay ng oras ng trabaho. Nakatitig lang ako sa salamin. Tinali ko ang aking buhok at naglagay ng kaunting lip gloss ng sa ganoon ay hindi ako magmukhang bangkay. Nag-aral ako sa biyahe papunta sa bar. Marami nang nakapila pagkarating ko. May ilang taga-school. Ngumiti ako sa bouncer at hinayaan naman niya akong pumasok. Dumiretso ako sa locker room kung saan magbibihis ako ng uniporme. Pagkabukas ko ng locker ko, bumungad doon ang kahon ng branded na sapatos. Tumingin ako sa paligid. Wala akong iniwan na sapatos rito, maliban sa tsinelas na sinusuot ko sa tuwing breaktime ko. Tiningnan ko ang box at may maliit na sticky note doon. Binasa ko iyon. Take these sneakers as my peace offering. I hope you’ll like it. I cannot find the exact shoes you're wearing so my girlfriend chose the design. P.s. I just based on your slippers that was in your locker. I hope I got the size right. -Clyde Napanganga ako. Halatang original at mamahalin iyon. Tumingin ako sa sapatos kong sira na, it was the same model pero may kaunting pagkakaiba gaya ng kulay ng check mark na nasa gilid ng mga sapatos. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD