Duke's point of view Kahit sobrang lakas ng aircon sa kwarto ni Kim ay nagbabaga ang aking pakiramdam lalo na at ang higpit ng kanyang yakap ang kanyang mga dibdib ay dikit na dikit sa aking braso. Hindi na niya ako sinagot pa at hintayin ko na na muna siyang makatulog bago umalis sa kwarto niya. Alam kong hindi pa siya tulog dahil mahigpit parin ang yakap niya sa akin. Hanggang sa lumipas ang mga minuto at nakakalas na ang kanyang yakap. Dahan-dahan kong inalis nag kanyang kamay pero humigpit tuloy ulit ang kanyang yakap. Napahinga ako ng malalim at humarap sa kanya at laking pagkakamali ko dahil dumikit ang aking labi sa labi niya. Napapikit akong napahigpit ang aking mga kamao. Parang may magnet ang kanyang labi na ayaw kumalas hanggang sa gumagalaw na ang aking labi. Mahimbing a