Duke's point of view Lahat ng demonyo ay dinasalan ko para hindi ako matukso kay Kim. Ayokong matahi siya ulit kaya sinikap ko na ihanda siya ng mabuti. Mabuti at dalawa lang kami dito sa taas kaya magagawa namin ang dati naming ginagawa sa hotel. Pagkatapos ko siyang paligayahin ay kinuha niya ang aking mga damit para labhan. Napag-usapan namin na mauna na akong baba. Ibinuhol kong mabuti ang aking roba at nagtapis pa ako sa loob ng roba para sisurado na hindi ako makitaan. Mahirap na puro babae pa man din ang aking mga kasama. Bumaba na ako at mula sa kanilang sala ay naririnig kong nag-uusap ang magkapatid sa kusina. "Ate, ang gwapo naman ng nagrerenta sa inyo. Magugustuhan niya kaya ako?" "Hay naku, magaganda ang mga babae sa Manila pero wala siyang nagustuhan. Ikaw pa kaya na kul