Duke's point of view Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pagbabantay kay Kim. Mahimbing ang kanyang tulog dahil sa mga gamot na ipinainom sa kanya. Kinabukasan ay inalis na ang kanyang catheter, isang nurse ang tumulong sa kanya na paliguan siya. Hindi siya pumayag na ako ang magpapaligo dahil baka kung ano daw ang gagawin ko. Wala naman na akong nagawa dahil pati ako ay walang tiwala sa aking sarili kung makita ang hubad niyang katawan. Isang linggo daw hindi papasok si Dok JL kaya ang isang doctor ang tumingin kay Kim. Mabuti at babae din ito at mas mabait kaysa kay Doc Jl pero nahalata ko na kakaiba ang tingin sa akin kaya hindi na ako ngumingiti sa kanya. "Mr. Mondragon, hindi pa pwedeng lumabas si Kim dahil kailangan pa siyang obserbahan ng mabuti." "Pero bakit sinabi ni Doc