Kim's POV continues
Hanggang sa hindi natapos ang trailer ay nakaupo ako sa kandungan ni Sir na nakayakap. Madilim naman ang sinehan at mga studyante ay naghihiyawan sa takot habang ako ay humihikbi.
"Kim, balik ka na sa upuan mo." Bulong ni Sir na hinahaplos ang aking likuran.
Napalingon ako sa screen at nagsimula na ang palabas.
"Salamat Sir." Sabi ko at mabilis na bumalik sa aking upuan. Pagkatapos ay pinunasan ang aking mga luha.
Tahimik na kaming lahat at habang nag-umpisa ang movie ay pinagpatuloy ko na nang kainin ang aking popcorn. Hanggang sa naubos ko ito at antukin. Hindi ko na pinigilan pa ang aking mga mata.
"Kimie! Kimie!" Dinig ko na may tumatawag sa akin at iminulat ko ang aking mga mata. Si Sir na ginising ako dahil tapos na ang movie at maliwanang na.
"Sir, tapos na pala." Nahihiyang sambit ko.
"Yes at nakatulog ka. Paano ka sasagot sa reaction paper mo ngayon?"
"Sir kopyahin ko nalang po ang sagot ni Joanna." Deretsang sagot ko.
"Nakatulog din siya at nauna nang umalis dahil sumakit ang tiyan. I bet sa dami ng kinain na tulad mo." Naiiling na sambit ni Sir.
"Baka napaano na po ang kaibigan ko?"
"Don't worry sinundo siya ng kanyang Ama."
Napatayo na ako, dahil mag alas nwebe na ng gabi.
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Talaga Sir? sandali lang po at mag text ako kay Yaya baka nag aalala na po siya."
Inilabas ko na ang aking telepono at tama ang aking kutob dahil maraming miss calls na si Yaya. Nag call back ako at sinabi ko na pauwi na.
Lumabas na kami ni Sir sa Sinehan at napahawak ako sa kanyang braso dahil nakaramdam na ako ng lamig. Napatingin siya sa akin ng napayakap ako sa malaki siyang braso.
"Malamig po Sir." Nahihiyang sambit ko.
"It's okay." Sagot niya habang naglalakad kami.
Paglabas namin ay may taxi nang naghihintay sa amin. Sayang at ako ang unang inihatid ng taxi. Gusto ko pa man din sanang malaman kung saan ang bahay ni Sir.
Huminto na ang taxi sa harapan ng maliit namin na gate. Si Yaya ay nasa harapan na may malaking baston.
"Sir, salamat po." Sabi ko kay Sir.
Tumango lang siya, sana uso yung beso beso bago umalis pero nakakahiya kay Sir. Magbabayad na sana ako pero siya na daw kaya nagpa salamat ako ulit dahil nakatipid pa ako sigurado na mahal ang babayarin ni Sir dahil ang layo ng mall sa bahay.
Agad akong sinalubong ni Yaya at umalis na rin ang taxi.
"Bakit hind yung sasakyan ng kaibigan mo ang naghatid saiyo?" Tanong ni Yaya na naunang pumasok sa gate.
"Sumakit po ang tiyan ni Jo Yaya kaya nauna siyang umuwi, nakatulog po kasi ako sa sinehan." Sabi ko na napakamot sa aking ulo.
"Ikaw talaga na bata ka, delikado ang ginawa mo paano kung hindi ka nagising at Deretsong nakatulog ka sa sinehan o di kaya ay nagahasa ka." Sambit ni Yaya na medyo galit pero nag-aalala.
"Ginising po ako ng teacher namin Yaya at siya din ang kasama ko sa taxi." Nakangiting sagot ko.
"Nakangiti ka pa diyan, yung crush mo bang teacher yan?" Tanong niya at napatango ako ng sunod-sunod.
"Nakow lumalandi na ang alaga ko, papayat ka na muna." Sabi niya at napasimangot ako.
"Yaya, gutom ako."
"Alam ko, ikaw pa kailan pa hindi ka nagutom. Halika na sa kusina at handa na ang pagkain mo. Walang kanin dahil naubusan tayo ng bigas."
Mabilis kong pinuntahan ang lalagyan namin ng bigas.
"Yaya, may bigas naman oh!" Reklamo mo ko.
"Mayroon ba akala ko wala na." Sagot niya na nakangiti.
Ayaw ni Yaya kasi na kumakain ako ng maraming kanin sa gabi. Pero kung walang kanin sa gabi ay mabilis akong magutom at minsan ay palihim akong nagluluto ng instant noodles na nakatago sa secret storage ko sa aking kwarto.
Napatingin ako sa aking dinner, kaya pala hindi na ako pinagluto ni Yaya dahil bulalo ang aming ulam. May corn at patatas na kasi ito.
Umupo na ako at hindi na nagreklamo pa.
"Hindi ka man lang naghugas ng iyong mga kamay." Pansin ni Yaya kaya tumayo ako ulit at mabilis na naghugas.
Ang Yaya ko na ang tumatayong Daddy at Mommy ko. Mahal na mahal ko ang aking yaya kaya nagpapakabait ako sa kanya. Minsan lang akong sumusuway pero tungkol naman sa mga pagkain ang lagi naming pinagbabangayan.
Naka tatlong malaking bowl ako ng bulalo gusto ko pa sana pero ubos na kaya inilagay ko na ang aking bowl sa dishwasher namin. Si Yaya naman ay pumasok na sa kwarto.
Pinatay ko ang ilaw sa kusina at lumakad na ako papunta sa hagdanan. Napahinga ako ng malalim at napa maywang. Aakyat na naman ako, kung buhay sana si Daddy ay may magbubuhat sa akin.
Malungkot akong humakbang at mabagal na umakyat. Habang umaakyat ako sa napatingin ako sa larawan namin ng aking mga magulang.
Sa bawat hakabang ko ay katumbas ng pagtulo ng aking mga luha. "Ang daya ninyo Daddy Mommy. Bakit ninyo ako iniwan?" Sambit ko na napahagulgol na sa iyak.
Ramdam ko ulit na nag-iisa ako sa buhay. Nakarating na ako sa aking kwarto at sobrang tahimik ito. Bago ako natutulog noon ay nakikipag kulitan muna ako kay Daddy. Hindi ako tinatantanan ni Daddy na kilitiin hanggang sa hindi ako sumusuko.
Apat na taon na iniwan nila ako pero napakasakit parin. Kaya mas lalo akong tumaba dahil sa pagkain ko ibinaling ang aking kalungkutan. Ang pagkain nalang ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan.
Inilagay ko ang aking bag sa aking kama at pumunta na sa aking banyo para maligo ng mabilisan. Pagkaligo ko ay tumunog ang aking telepono walang iba kundi ang kaibigan ko na tinatanong kung nakauwi na ako. Agad kong sinagot dahil sigurado akong mag-aalala ang aking kaibigan.
Me: Nasa bahay na ako, patulog na. Sumakit daw ang tiyan mo?
Jo: Mabuti naman, sobrang sakit na kasi ang tiyan ko kanina kaya hindi na kita nahintay na magising. Bongga mo girl nakayakap saiyo si Sir habang natutulog ka.
Me: Huh! talaga? hala may nakakita bang ibang studyante. Nakakahiya!
Jo: Wala nang studyante, alas otso natapos ang movie.
Hinayaan pala ako ni Sir na matulog dahil alas nwebe niya ako ginising. Mabuti at walang mga sumunod na nanuod.
Hindi ko na sinabi sa aking kaibigan na isang oras mahigit pa ako pinatulog ni Sir. Sana alam ko ang number niya para makapagpasalamat man lang sa pagbabantay niya sa akin.
Nagpa-alam na ako sa aking kaibigan at inilayo ko na rin ang aking telepono. Ipinikit ko na ang aking mga mata.
"I miss you so much Daddy Mommy." Sambit ko at tuluyan nang nakatulog.