Kim's point of view continues "Kim tawagin mo kaya ang kapitbahay natin. Marami naman ang handa mo hindi natin kayang ubusin ito." "Sige Yaya, pero yung laging nagbibigay lang ng ulam kung may handaan sila." Agad na sagot ko. "O sige." Sagot naman ni Yaya. Lumabas na ako sa bahay at sumigaw lang dahil pader na baba lang naman ang pagitan ng aming bahay. "Ronron pakisabi sa Mommy at Daddy mo na dito kayo kakain ng hapunan sa bahay." "Bakit Ate Kim anong mayroon?" "Graduate na ako ng high school." "Talaga Ate, eh di pwede na kitang ligawan." "Ikaw bata ka hindi pwede ang bata mo pa.Tawagin mo na ang Mommy at Daddy mo habang mainit pa ang mga ulam." "Sige Ate" "Bukas ang gate pumasok nlang kayo." Dagdag ko pa ng papasok siya sa kanilang bahay. Pumasok na rin ako at nadatnan