Kimie's (pov) continues
Pagkatapos naming kumain ng snack sa bus, nahihiya na akong matulog ulit dahil baka hihilik na naman ako.
Solve na ako na katabi si Sir at todo ang alaga sa akin.
"Kimie, anong kurso ang kukunin mo?" Tanong niya na napa-angat ang aking mukha at muntik na kaming nag kiss kung hindi lang siy umilag. Ang sayang naman.
"Baka papasok na po sa culinary school Sir."
"Baka? why you are not sure?" Tanong niya na naka tingin sa daan habang ako ay naka titig sa kanyang labi.
Matangkad ako, nasa 5ft 7 inches na ang aking height at na mana ko sa aking mga magulang ang aking ama ay nagtratrabaho sa isang company bilang bodyguard pero malaki ang kanyang sahod dahil isa siyang army noon.
Ang Mommy ko naman ay isang dating beauty queen na pinili na mag full time mom para alagaan kami ni Daddy.
"Sir, eh pati magbitak ng itlog hindi ko po alam.
"Matutunan mo din." Sagot niya na nakatitig parin sa manipis at mamula-mula niyang labi. Nang tumingin siya sa akin ay mabilis kong ibinaling ko na ang aking mukha sa bintana.
"Kaya lang Sir, expensive daw at maraming gastos ang pagpasok sa culinary school.
"I can be your sponsor or do you want to be my scholar?"
"Naku huwag na po Sir, kaya naman, ipapa-upa nalang namin ang isang kwarto na bakante sa bahay at isa pa may nakalaan na po na gagastusin ko." Agad sagot ko dahil nakakahiya.
Magkano lang naman ang sahod ng isang guro baka may pamilya pa si Sir na sinusuportahan. Isa pa ayaw kong humingi ng tulong ng iba dahil natatakot akong masingil ng utang na loob.
Nangyari na ito sa mga kamag-anak ni Mommy. They want to adopt me but they want to access sa bank account ko. Hindi ako pumayag dahil sabi ni Yaya ay pera ko iyon at walang pwdeng galaw kundi ako lang. Ang ikinakatakot niya ay baka kung maubos ang pera ay basta nalang nila ako itapon.
Nagalit sila at itinakwil na akong pamangkin. Sa taba ko daw ay mamumulubi sila dahil sa dami ng ipapakain nila sa akin.
"Kung may problema ka huwag kang mahiyang lumapit sa akin. I am here, parang anak na kita." Sabi niya na ginulo pa ang aking buhok.
"Eh Sir matanong ko lang. Ilang taon ka na ba?"
"Thirty-eight."
"Ah, mas matanda lang ang Daddy ko ng limang taon sa inyo Sir."
"Yeah, I know."
"Huh! paano ninyo alam Sir?
"Pumunta ako sa burol ng parents mo." sagot niya ay napayuko ako.
Ilang taon na rin na wala ang aking mga magulang , nasa grade 8 ako noon.
"Sir, hindi pa naman kayo Teacher sa school noong namatay ang parents ko.
"I was applying to the school already and I heard about it." Sagot niya at napatango na lang ako.
"Ah Sir, may asawa ka na? ilan na ang anak mo?" Tanong ko, lubos-lubusin ko na ang magtanong dahil nasa mood ata siya ngayon. Ilang taon na din siyang nagtuturo sa school namin pero pangalan at apilyedo lang ang alam namin sa kanya.
"No, kids and single kaya ikaw nalang ang anak ko." Sagot niya. Masaya sana ako dahil single siya pero sa narinig ko na gusto niya akong maging anak pero pumait ang aking panlasa.
"Okay na ako sa biological father ko na nawala sir."
"You don't want me to be your father?"
"Opo Sir, kasi po malaki na ako at kilala ko ang aking mga magulang."
Napahinga siya ng malalim sa narinig. Napasimangot naman ako na napatingin sa bintana. Kahit huwag na kung anak.
Nakaramdam tuloy ako ng gutom.
"Sir, kunin ko lang po yung Chocolate sa bulsa ng bag ko." Paalam ko sa kanya.
"Ako na." Sagot niya na tumayo.
Pag-angat ng kanyang mga braso, nag twinkle ang aking mga mata na napatingin sa pusod ni Sir na medyo may manipis na balbon at may maupa. San more up para makita ko kahit yung nasa ibabang abs lang.
"Here." Sabi niya sabay abot sa isang piraso at umupo na ulit sa aking tabi.
"Sir, Sampo yan bakit isa lang ang ito?"
"You can eat again later. Hindi maganda na uubusin mo ng isang upuan lang. Masisira ang ngipin mo at tataas ang iyong blood sugar. Kailangan ka huling nagpa general check-up?"
"Noong hmm hindi ko matandaan Sir, hindi naman ako sakitin kaya hindi ako nagpapadoktor. Yung kapitbahay namin na slim ang katawan, yun ang sakitin dahil lagi sa doctor kahit lagi ang execercise." Bulaslas ko dahil alam ko na ang pinupunto ni Sir. Mga word of wisdom ni Yaya yan everyday.
Hindi na ako nag tanong pa kay Sir, kinain ko na ang chocolate at bitin na bitin ako sa isa. Parang mas maganda yata na palit kami ng upuan para madali kong makuha ang mga snacks ko sa aking bag.
"Sir pwedeng palit tayo ng upan?"
"No, mas safe ka diyan." Seryosong sagot niya. Safe nga ako gutom naman.
"Sir, akin nalang po ang bag ko dito sa paanan ko nalang ilagay."
"Malapit na tayong kumain ng lunch Kim at kakain mo lang ng snack. Let your food digest."
Sa narinig ko, napalingon ako sa aking kaibigan na nag en enjoy na kumakain ng chichirya. Malungkot tuloy akong napayuko.
Inabutan niya ako ng tubig, bukas na kaya uminom na lang ako. Magugutom pala ako kung katabi ko si Sir.
Halos hilain ko na ang oras para pa nang halian na. Ilang saglit ay huminto ang bus sa isang malaki na park.
"Dito na tayo kakain ng lunch." Sabi ni Sir kaya mabilis akong tumayo.
Dahil kami ang nasa harapan ay nauna kaming bababa, mabilis kong kinuha ang aking bag na iniabot ni Sir. At tuluyan ng bumaba. Hinintay ko ang aking kaibigan at nang naka baba na siya, mabilis naming kinuha ang kanyang baon.
"Kumusta na katabi si Sir?" Tanong ng kaibigan ko habang naglalakad kami na sinusundan ang aming kaklase kami ulit ang nasa huli.
"Hindi maganda gugutumin niya ako. Pero may chika ako wala palang asawa si Sir at walang anak."
"Waaa talaga Kim, may pag-asa ka na!" Bulaslas ng aking kaibigan.
"Pero sinabi din niya pwede ko siyang maging ama."
"Yun lang, kay Daddy ka nalang magpa-ampon kaysa sa kanya at kung kay Daddy ka hindi ka mabibitin sa food dahil hinahayaan lang niya ako na kumain. Higit sa lahat may kasama na akong mag mukbang gabi-gabi ng palihim. Si Mommy lang ang medyo nag titipid sa akin ng pagkain sa bahay."
Noong namatay ang aking mga magulang, gusto nila akong ampunin pero hindi ako pumayag dahil maiingit lang ako. Pag pumupunta ako sa bahay nila, ang saya nilang pamilya lalo na si Tito Josh na mahal na mahal ang kaibigan ko dahil nag-iisa siyang babae. Lagi ko lang maalala ang aking mga magulang sa kanila ni Tita Danna at Tito Josh.
Naka upo na ang aming mga ka klase habang kami ni Jo ay medyo malayo pa kami. Mahahaba man ang aming mga biyas pero ang paglalakad na pinakaaway namin na gawin.
Sinalubong nalang kami ng aming machong guro.
"I will carry this at bilisan ninyong maglakad." Utos ni Sir.
Nagkatinginan kaming magkaibigan, masaya kami dahil si Sir ang nagbuhat sa aming lunch.
"Ano ba laman nun bakit ang bigat?
"I got 2 cochinillios and fried rice and ang paborito nating dessert na cheese cake." Sa sinabi ng aking kaibigan ay napa bilis ako lakad.
"Hey, wait! Sigaw niya ng may halong takbo na ang aking lakad.
"Bilisan mo Jo gutom na ako!"
Sa wakas ay binilisan na rin ng aking kaibigan. Nang nakarating na kami ay agad kong binuksan ang malaking baunan na pwedeng pang kamping.
Napapikit ako at sinamyo ang bango ng cochinillio na baon ng aking kaibigan pati ang mga ka klase namin ay napasinghot din.
Mabilis kong kinuha ang plato na nasa gilid nito. Inabot ko sa aking kaibigan.
"Tag-isa ba tayo?" Excited tanong ko at tumango siya.
Agad kong inilabas ang parte ko may papel naman at kartoon kaya inilapag ko sa damuhan. Excited akong hinati-hati ito at pati din ang aking kaibigan. Wala kaming pakialam kung nakatingin sila sa amin.
"Let's pray." Sabi ni Sir at nakapikit naman sila kaya kaming magkaibigan ay nagsimula nang ngumuya.
Pagkatapos nagdasal ay nagsalita si Sir.
"Everybody will share their lunch." Sabi niya at sa amin banda papalapit ang aming mga ka klase. Hindi naman kami madamot pero gutom kaming magkaibigan kaya mabilis namin pinuno ang aming plato at may hawak pa kami sa aming mga kamay.
Pagkatapos ay mabilis kaming tumalikod at masayang kinamay ang aming ulam.
Napapailing nalang ang aming guro pero anong magagawa namin. Sa totoo lang ay tatlong cochinillio ang kaya naming ubusin na magkaibigan. Pasalamat sila dahil may natirang ulo na pinaghati-hatian nila.
Nang maubos namin ang aming ulam ay ang fried rice na may sahog na bacon naman ang aming isinunod. Hindi na namin ito na share pa dahil isang plato lang. Pag katapos naming kumain ay may space pa ang aming dessert. Nilantakan din namin na dalawa pagkatapos ay uminom kami ng malamig na coke.
Busog na busog kaming magkaibigan na halos ayaw naming lumakad pa balik sa bus.
"Guys clean up now we have to go." Sabi ng aming guro.
Ang mga kalat naming ay inilagay na namin sa malaking lunch box ng aking kaibigan dahil ang layo ng basurahan.
"Kim, bakit ninyo diyan nilalagay?" Tanong ni Sir na lumapit sa amin.
"Sir, malayo ang basurahan kaya dito nalang namin itatapon. May Yaya will just clean this box in the house." Sabat ng kaibigan ko.
Napailing ulit si Sir. Nang malinis na ay naghugas na kami ng kamay. Kahit paano ay medyo magaan na ang box kaya hindi na kami nahirapan pa nagbuhat.
Pagkaupo ko sa bus ay inaantok na ako kaya sa may bintana nalang akong sumandig at ipinikit ang aking mga mata habang si Sir ay nagbibilang.
Sobrang lalim ang aking tulog na nanapaginipan ko ang aming mga kamag-anak.
"Kayo na ang mag ampon kay Kim, hindi bale may bahay ay ari-arian na naiwan ng kanyang mga magulang." Sabi ng panganay na kapatid ni Mommy.
"Ate sa palagay mo kakasya yan kay Kim? Ilan ang budget nito per week? Sa pagkain palang ay lugi na ako." Sabi ng kapatid ni Mommy na pangalawa sa panganay.
"Ako na ang mag-aapon sa kanya pero sa akin ang bank account ng mga magulang mo." Sabat naman ng pangatlong kapatid ni Mommy.
"Ano may bank account?"
Sa narinig nila ay nag uunahan na sila na ampunin ako lalo na nang nalaman nila na malaki ang pera na naiwan ng aking mga magulang. I Am 14 kaya kahit paano ay matured na rin ako.
"Ayoko pong ibigay sa Mommy at Daddy ko po iyon." Umiiyak na sambit ko.
"Pwes walang aampon saiyo dahil napakatakaw mong kumain. Paano pa ang pag-aaral mo ang mga gamit mo na bibilhin? ang allowance mo? Hindi naman pwede na pumayat ka dahil sasabihin ng mga tao na ginutom ka namin. Kung ayaw mo eh di huwag!" Inis na sabi ng ngatlong kapatid ni Mommy at nag-alisan na sila sa bahay.
Sobra akong nasaktan sa mga sinabi nila.
"Mommy Daddy bakit ninyo ako iniwan" Mahinang sambit ko at umiyak ng umiyak. Naramdaman ko ang pagyakap ni Yaya.
Sana, kilala ko ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng aking mga magulang at ibabalik ko ang perang ibinigay niya. Hindi kailan man matutumbasan ng pera ang pagkawala ng aking mga magulang. Galit ako sa kanya dahil napaka selfish niya sana siya nalang ang namatay at hindi sana ako ulila ngayon.
Patuloy ang aking pag-iyak at naramdaman ko nalang na may tumatapik sa aking mukha.
"Kim we are here and you drooling." Dinig ko na sabi ni Sir.
Iminulat ko ang aking mga mata at pinupunasan na niya pala ang aking laway.
"Sorry po Sir." Nahihiyang sambit ko at kinuha ang kanyang palad at ipinunas ko sa aking damit sa may bandang dibdib.
Napanganga ako at nagulat din siya dahil na dede ko na pala ang nahawakan niya. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay.
Ako naman ay hiyang-hiyang mabilis na tumayo at kung gaano ako kabilis ay mas mabilis si Sir dahil nasa labas na siya ng bus.