Duke's point of view Napailing nalang akong hinabol ng tingin si Kimie na pumunta sa kusina. Tinakot niya ako kaninong binabangungot siya mabuti at nagising din. Kailangan na niya talagang mag diet, I am happy dahil nasarapan siya sa niluto ko pero ang dami niyang kinain. Pang limang tao na ang kinain niya kanina. Nang nakatulog siya sa sofa ay nag-usap kami ng kanyang Yaya pati din siya ay nababahala na rin kay Kim. Kaya Sa hapon ay ako ang nagluto ng aming dinner. Gumawa ako ng salad at steak. Tatlong piraso kay Kim at tig-isa kami ni Yaya. Gagawa sana ako ng mash potatoes pero nag bago na ang isip ko dahil maraming carbs na ang kakainin ni Kim kapag pumasok na siya sa kanyang kwarto. Hindi ako papayag na uubusin niya iyon kahit sa susunod pa na araw ang umpisa ng pagpapayat niya.