AT maya-maya pa ay nag-beep ang phone ni Thumbler at alam niyang message ito galing kay Climate. Agad niyang kina-copy ang number at tinawagan niya ito. "Hello..." boses ng babae sa kabilang linya. "Hi! Ikaw ba ang kaibigan ni Climate?" tanong agad niya. "Yes, sir." "Ready ka na ba?" panigurado niya. "Yes, sir." "Good! Available ka ba bukas?" muling tanong niya sa babae. Yes, sir. Ready na." "Okay, good! Aasikasuhin ko muna ang doctor at pagkatapos ay tatawagan kita bukas." "Sige, sir." "Thank you! Bye." At kinansela na niya ang tawag. Hindi agad umuwi si Thumbler sa bahay at nag-research muna siya ng surrogacy doctor. Tinawagan niya ang mga kaibigang doctors at nagpatulong siya na makahanap. Hindi naman siya nabigo dahil ang isa niyang kaibigan ay mayroong kilala at ang a