NAIWAN sa sala si Aggie at nakahiga ito, habang si Encho ay nakikialam sa kusina nila. Hindi maikla na kanya na ma-attract sa lalaki, dahil bukod sa maganda ang hubog ng katawan nito ay guwapo pa. Pero hanggang paghanga lang siya sa lalaki, lalo na ngayon na maging single mom na siya. Lumingon si Encho at kumawala pa ito na may kasamang nakakabighani na ngiti. Tumugon naman siya sa pagkaway. At maya-maya pa ay pumasok si Lucio sa kuwarto nila at nilabas ang asawa. Napalingon si Encho at dali-daling lumapit upang magbigay galang sa ginang na nakaupo sa wheelchair. "Magandang hapon, ma'am!" At hinawakan niya ang kamay nito upang makipag-shake-hands. "Mama, siya pala si Encho. Kaibigan ko. Siya naman ang ina ko, si Mama Sonia." Pakilala niya rito. "Matagal na ba siyang stroke?" Tanong