NATAPOS ang dalawa, at lumabas na ito. Habang naglalakad sila ay hindi lumayo sa tabi niya si Encho, patuloy siya nitong inalalayan hanggang sa sasakyan. "Gie-Gie, hindi ka pa ba pagod?" tanong nito sa katabi. "Hindi pa naman. Bakit?" Sabay lingon niya rito. "Pasyal muna tayo sa siyudad." "Uhmm… sige ba!" Pumayag si Aggie, para naman kahit papaano ay mapasyalan niya ang ibang bahagi sa siyudad. Sapagkat bilang lang ang pagkakataon na nakapasyal siya. Dumiretso sila sa siyudad, at medyo may kalayuan ito mula sa Compostela dahil sa city talaga sila nagpunta. Kahit medyo malayo ang pinuntahan nila ay hindi nakaramdam ng pagod si Aggie, dahil aircon naman ang taxi ni Encho. "Gie-Gie, kung inaantok ka, matulog ka muna at gigisingin kita kapag nasa city na tayo." "Okay lang ako. Gus