Chapter 32

1061 Words
"Talaga nga namang napakatuso din ng mga Red Skull Alliance na yan, di tlaaga pinalampas na makapunta ka sa lugar nila bagkus ay nasa tagong parte ng Dou City lang sila nakipagkita sa'yo!" Naiinis na turan ng binatang si Prince Yaozu. Talagang nakakainis naman talaga ang Red Skull Alliance na ito. "Kaya nga eh, mukhnag mayroon din silang ginagawa doon sa Dou City. Malay ko ba kung ano talaga ang pinaplano nila sa batang nagtataglay ng napakalakas na fire qi sa sa katawan nito. Grabe kasi ang pagkainteres nila rito sa totoo lamang." Puno ng pagtatakang sambit ng Crowned Prince. Maging kasi siya ay nagtataka kung ano ang gagawin nila rito. "Kahit ako ay walang ideya patungkol sa aktibidad ngayon ng Red Skull Alliance. Kilala din kasi ito sa pagiging tuso. Palihim din ang galaw ng mga ito even me don't have further information patungkol sa alyansang ito." Nagtataka ring wika ni Prince Yaozu. Maliban sa pagiging tuso ng alyansang ito ay alam niyang hindi din gagawa ng kabutihan ang Red Skull Alliance sa mabibiktima nito. "Pero ang alam ko lang ay interesado sila sa nilalang na may malakas na fire qi. Naiisip mo ba ang naiisip ko sa sitwasyong ito?!" Nakangising sambit ng Crowned Prince. He even have the guts to say it out loud. He is really someone who could make things further than he is now especially kung desperado na rin kagaya ng Red Skull Alliance. "Mukhang alam ko na ang tumatakbo sa isipan mo. You will make fool of them right? Naiisip ko nga kung pwede mong lokohin ang Red Skull Alliance na yan at makuha ang nasabing breakthrough pellet nang sa ganon ay malalabanan mo na ang pesteng naka-Jade mask na beast tamer tsaka iyang mount nito maging ang limang Xiantian Realm Expert na iyon. Tama ako diba?!" Seryosong sambit ni Prince Yaozu habang mabilis itong napangisi ng malademonyo habang nakaharap sa nakakatandang kapatid nito na ang Crowned Prince. "Tama ka. Hindi ko aakalaing pareho pala ang timatakbo sa isipan natin. Talagang ito ang gagawin ko to think na hindi naman nila malalaman kaagad ito hehehe!" Nakangising wika ng Crowned Prince habang makikitang tila may malalim itong naiisip para masiguro niyang sa kaniya pa rin ang huling halakhak. "Ngunit paano mo iyon magagawa aking kapatid kung alam mong mahirap lokohin ang pesteng Red Skull Alliance na ito. Alalahanin mong kilala sa pagiging tuso ang nakasuot ng Jade Mask maging ang limang Xiantian Realm Expert na kasapi ng Red Skull Alliance. baka bago mo magawa ang mga plano mo laban sa kanila ay mabisto ka nila. This is too risky!" Nag-aalalang turan ni Prince Yaozu. Alam niyang mahirap talaga pakiusapan ang Red Skull Alliance at mas lalong mahirap kung malaman nila na niloloko lamang sila ng Crowned Prince. Talagang mapupurnada ang plano ng kapatid niyang kinoronahan to ascend in their father's throne. "Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko Yaozu? Makakaya kong utakan ang peateng beast tamer na iyon maging ang mga kasama nitong mga Xiantian Realm Expert. Konting panahon lang ang hinihingi to execute my plans. Alam naman natin na talaga ngang hindi magpapatalo ang naka-Jade mask na yan. Kaya nga pumunta ako rito to further make my plan steady and successful. Hindi mo naman siguro ako bibiguing isakatuparan ito hindi ba?!" Puno ng emosyong winika ito ng Crowned Prince habang mataman itong nakatingin sa gawi ni Prince Yaozu na siyang inaasahan niyang kapatid niya to further escalate his plan to be more possible. "Alam kong hindi mo afford na pumalpak aking kapatid. Ayoko ding iba ang mamuhunan at makinabang sa trono ng hari kundi ikaw lamang. The rest of our siblings doesn't even have means of a true king. Puro mga walang silbi at patuloy tayong ino-oppose for their personal gains. Mas lalong hindi ako makakapayag na alinman kina Nianzu at Feng ang umupo sa trono because I hated them so much. Naiisip ko palang ang posibilidad ay nanginginig na ko na paslangin sila!" Puno ng pagkapoot na sambit ni Prince Yaozu. Tanging sa kapatid niyang si Crowned Prince ang makakapagbigay sa kaniya ng reassurance na patuloy ang operasyon niya sa pagmimina at paggawa ng bagay na maaari niyang pakinabangan ng malaki. Kung uupo ang ibang mga prinsipe na siyang kapatid at kinakapatid niya ay siguradong hindi siya makakagalaw ng naasyon sa kagustuhan niya. Ang pinakaayaw pa naman niya ang pakialamero sa gagawin o ginagawa niya. "Mabuti at nagising ka sa senses mo at sakin ka pumanig. Having to step back and supporting me is your best option. Kapag naging hadlang si Nianzu at Feng sa plano natin ay siguradong ikaw ang unanng makakatikim ng hagupit ng hari. Pansamantala lamang ang sakit niya kaya we better make use of it bago pa maging uncontrollable ang sitwasyon natin." Pagpapaalala ng Crowned Prince sa nakababatang kapatid nitong si Prince Yaozu. Sa kanilang lahat, alam niyang si Prince Yaozu ang may pinakamaraming ginagawang palihim na negosyo at mga gawain kaya hindi rin makakapagtaka na kung gunaling na ang mahal na hari at nagsimulang mag-imbestiga ito ay ito ang unang mahuhuli sa kanila. Pero maging siya ay hindi rin ligtas dahil na rin sa pinanggagagawa niya to secure his future throne. "Alam ko yun, pwes hindi rin ako makakapayag na mangyari iyon. Alam mo rin kung ano ang magagawa ng amang hari. Kahit ama natin iyon ay wala itong pinapalagpas. Siguradong hindi natin magugustuhan ang pagsalo sa galit nito." Puno ng kaseryosohang turan ni Prince Yaozu. Alam nilang talagang hindi talaga malilinlang ang amang hari na siyang tatay nila. There's no way na mapipigilan sila ng mga ina nila to ease their father's anger. Napatahimik na lamang ang Crowned Prince. Naisip niyang tama nga ang nakababatang kapatid nitong si Prince Yaozu, it's time to make use of it's time lalo na at malaking problema talaga ang amang hari. There's no way na kakalma lamang ito sa laki ng mga nagawa nilang mga kabulastugan. "Patungkol pala sa plano mo, how could we planned out about that Jade Mask at lalong-lalo na ang limang Xiantian Realm Expert na kasama nito. Could we really do it? Paano?" Puno ng kuryusidad na wika ni Prince Yaozu. Talagang na-curious siya kung paano ito paplanuhin ng Crowned Prince. Handa siyang tulungan ito alang-alang sa kinabukasan niya. Siya ang unang malilintikan sa kanila at baka siya lamang ang maoupuruhan kung hindi siya makikipagtulungan rito ng lubusan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD